MALOLOS CITY—Huling laban na ni Manny Pacquiao ang nasaksihan ng kanyang tagahanga ng siya ay barilin at mapatay matapos manood ng Pacquiao-Clottey fight sa pay-per-view bayan ng Bustos kamakalawa.
Ang biktima ay nakilalang si Roberto San Pedro, 46 anyos, walang trabaho at residente ng Barangay Poblacion sa naturang bayan.
Batay sa ulat ng pulisya, binaril ng dalawang di nakilalang lalaki ang biktima habang nakasakay sa kanyang tricycle kasama ang kanyang misis matapos manood ng labanang Pacquiao-Clottey sa gymanasium ng Bulacan State University sa bayan ng Bustos.
Ang mga suspek ay sakay ng motorsiklo at mabilis na tumalilis matapos ang pamamaslang.
Ayon kay Marlon Liano, isa sa nakasaksi, nakita na lamang niyang nakahandusay na ang biktima sa kalsada.
Sinabi ni Liano na noong una ay inakala niyang nahimatay lamang ito at ng kanilang saklolohan, ngunit natuklasan niyang may tama na pala ito ng bala ng baril sa katawan.
Agad na isinugod ang biktima sa di kalayuan Sto. Nino hospital ngunit hindi na umabot pa ng buhay.
Ayon naman kay Roberto Tadeo, tiyuhin ng biktima, wala silang alam na kaaway ng kanyang pamangkin.
Ayon naman kay Chief Insp. Alfonso Cruz, hepe ng Bustos PNP, nakatanggap lamang sila ng tawag mula sa telepono na may lalaki ngang binaril malapit sa Bustos State University.
Ngunit hindi na rin nila inabutan sa crime scene ang biktima dahil sa isinugod na ito sa pinakamalapit na ospital.
Blangko rin ang kapulisan sa motibo ng pamamaslang.
Narekober mula sa crime scene ang dalawang basyo ng calibre .45 baril at dalawang slug ng pinaghihinalaan ding kalibre .45 baril.
Patuloy pa rin ang pagtutok ng kapulisan upang lutasin ang naturang kaso.