OLONGAPO CITY – Dead on-the-spot ang isang lalaki matapos itong barilin sa gate ng kanilang beach resort sa Barangay Barretto sa lungsod na ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Paul Salvatus, 50, residente ng Skipper Christian Beach Resort.
Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala mula sa 9mm pistol sa leeg at dibdib.
Batay sa autopsy, ang biktima ay namatay bunga ng hypoglecemic shock secondary to rupture of the heart due to gunshot wounds.
Ayon sa mga residente sa lugar sa pagitan ng alas 9 at alas 10 ng gabi nang makarinig sila ng putok ng baril at saka lamang nakita ang angkay ng biktima alas 2 ng madaling araw.
Nabatid pa na sa mabagal na responde ng Police Station 6 ng Olongapo PNP kung kaya nakatakas ang di kilalang suspek.