Lalaki huli sa illegal logging

    705
    0
    SHARE

    BOTOLAN, Zambales – Arestado ang isang lalaki matapos itong itawag sa pulisya dahil sa ginagawa nitong illegal na pagpuputol ng kahoy sa kabundukan ng bayang ito.

    Kinilala ng pulisya ang suspek na si Amor Blanco, 19-anyos at residente  ng Barangay Cabatuan, Botolan, Zambales.

    Ayon sa ulat alas-11:45 ng gabi, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa isang residente na may nagbaba umano ng mga nilagaring kahoy mula sa kabundukan ng Barangay Itanglew ng nasabing bayan.

    Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya huli ang suspek habang hila ng isang kalabaw ang kariton na naglalaman ng may 30 piraso ng nilagaring kahoy.

    Sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya walang maipakitang kaukulang dokumento ang suspek na nag-ootorisa na magputol ng kahoy mula sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources.

    Ang suspek ay dinala sa himpilan ng pulisya at ipaghaharap ng kasong paglabag sa Presidential Decree 705 (illegal logging).

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here