Home Headlines Lalake arestado sa komento sa FB na papasabugin ang quarantine checkpoint

Lalake arestado sa komento sa FB na papasabugin ang quarantine checkpoint

1197
0
SHARE

Si Abram Vivar sa tabi ng kanyang pandeliver ng LPGnang arestuhin ng mga pulis. Larawan mula sa Meycauayan Police



LUNGSOD NG
MEYCAUYAN — Arestado ang isang lalake matapos na magbanta sa social media na papasabugin nito ang quarantine checkpoint dahil istorbo ito sa pagdedeliver niya ng tangke ng liquified petroleum gas.

Nakilala ang suspek na si Abram Jacob Vibar, 27, ng Barangay Lawa ng naturang lungsod.

Ayon kay Lt. Col Bernard Pagaduan, hepe ng Meycauayan Police, ang suspect ay nagdedeliver ng mga LPG at regular naman na pinapadaan sa checkpoint sa kabila na wala siyang quarantine pass dahil essential ang produktong ito.

Ngunit sa isang komento ni Vibar sa Facebook ay nag-alok ito na magbibigay ng LPG para pasabugin na ang checkpoint dahil abala ito sa kanyang trabaho.

Nakarating sa kapulisan ang post ng suspek kaya’t nang madaaan ito sa isang checkpoint ay agad siyang inaresto.

Ayon sa PNP, malaking banta sa seguridad ang nasabing post kayat naalarma ang mga otoridad dahil naghihikayat ito ng kaguluhan.

Depensa naman ng suspek na nagbibiro lamang siya sa kaniyang komento at hindi niya alam na hahantong ito sa kaniyang pagkakakulong at humihingi siya ng kapatawaran sa kaniyang post at hindi na daw niya ito uulitin.

Aminado siya na naging mapusok sa pagkokomento sa Facebook at payo niya sa publiko na huwag gawin biro ang mga pagpopost sa social media.

Sa kasalukuyan ay nakaditene ang suspect sa Meycauyan City Custodial Facility at mahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 10175 Sec.at disobedience to authority.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here