Laging nababasted… Jake Cuenca laging sawi sa pag-ibig

    354
    0
    SHARE
    Lumalabas na may nakaraan pala siya Angelica Panganiban at Jake Cuenca. Na nanligaw pala ito sa girlfriend ni Derek Ramsay pero malas na hindi niya nakamit ang oo nito. 

    Wala ring matinong pinatunguhan yung affair nila noon ni Roxanne Guinoo at kulang na lang talaga ay isumpa siya ni Roxanne at ang aming hula ay dahil traumatic nga ng nagging karanasan ni Roxanne sa kanya. O hindi ba naman, in between the lines sa mga sinasabi noon ni Roxanne sa mga interviews niya ay yung sobrang pait na naranasan nga niya sa ex niyang si Jake Cuenca.

    Focus tayo sa nagging karanasan niya sa panliligaw kay Angelica noong araw. Narito ang excerpts ng interview kay Jake tungkol dito.

    “Bale matagal na kaming magkaibigan. Actually, masaya nga ako na nagkatrabaho na kami dito kasi ang tagal na rin naming hindi nagkakatrabaho, e.”

    Hindi nila napag-usapan ang past na binigo ni Angelica yung  luhog niyang pag-ibig?

    “Well, nanligaw ako sa kanya dati, but that was the past. Now is now. Magkaibigan kami.”

    “Hindi ako naiilang diyan,” nangingiti niyang sabi.

    How was it working with Angelica?

    “I love working with Angel. Just to be seen working with her, para sa akin, ang laki na ng bagay na yun. Matagal na rin kaming magkakilala ni Angel. Pero siyempre, yung seniority niya sa akin at yung respeto ko sa kanya, talagang tumaas nang tumaas. Kasi, napakagaling niyang artista talaga,” saad ni Jake.

    Alam naman ng lahat that Angel is very much committed to her boyfriend Derek Ramsay. Pero kahit ba may boyfriend na si Angelica ay naa-attract pa rin ba si Jake sa dalaga?

    “Well, tulad nga ng linya ko sa Tayong Dalawa, ‘Bok, walang talo-talo!’” natatawang quote ni Jake sa pinagbibidahang teleserye sa ABS-CBN. “Pero siyempre, sino ba naman ang lalaking hindi magkakagusto kay Angelica Panganiban? Sa ganda niya, sa personality niya at saka sa pagiging sexy niya, sino ba namang lalaki ang hindi magkakagusto kay Angelica Panganiban?”

    Nanliligaw diumano siya kay Melissa Ricks, hindi na maiiwasan na tuwing mai-interview si Jake o si Melissa ay naitatanong ang isa’t isa sa kanila.

    Hindi kaya siya mabasted din dito? Balita kasi na mas gusto ni Melissa si Matt Evans sa mga umaaligid sa kanya.

    Ano ang masasabi ni Jake na kung may plano raw talaga siyang ligawan ang dalaga, kinakailangan niya munang magpaalam sa mga magulang nito?

    “Siguro sa araw na talagang manliligaw na ako kay Melissa, yun naman siguro ang tamang gawin,” sabi ng binata. “Pero sa ngayon, wala pa naman kami dun. Talagang pagkakaibigan pa lang naman ang namamagitan sa amin. So, wala pa naman ako sa stage na dapat akong magpaalam kasi hindi pa naman ako nanliligaw. Sa ngayon, aminado naman ako na we’re friends.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here