Lumalalim ang video scandal involving Katrina Halili and other female celebrities at Hayden Kho. Marami pang mga sikretong nabubulgar.
Unti-unti nang nakakalkal ang pinagsimulan ng sex video. Para na siyang isang full-length suspense-thriller kung saan sangkot ang friendship, betrayal at drugs.
Nagsalita na si Eric Johnston Chua na inaakusahang siyang nagkalat sa internet ng video scandal.
Itinanggi niya ang akusasyon, pero nangakong magsasalita sa kanyang nalalaman sa tamang pagkakataon at ito ay ’pag kinasuhan na siya ng kahit kaninong kampo.
Nakakatakot na tila malalim ang alam ni Eric. Aniya, hindi siya ang may kagagawan, pero alam niya kung sino at ibubulgar niya ito in due time.
Bukod sa paglitaw ni Eric, sa kauna-unahang pagkakataon ay lumabas na rin ang nanay ni Dr. Hayden, si Mrs. Irene Kho, para ipagtanggol ang anak.
Nakaka-shock din ang rebelasyon ni Mrs. Kho tungkol kay Katrina.
Sabi nito sa TV Patrol World, “Ms. Katrina Halili, nabili na ’yang arte mo! Sabihin ko sa ’yo, Ms. Katrina, ikaw ang naglulong sa anak ko sa droga. Alam din namin ’yan at sinabi na namin ’yan sa lawyer.”
Dagdag pa ng pahayag ng ina ni Hayden kay Katrina: “Ang anak ko, katinu-tino hanggang matapos siya sa medisina, mabait na bata. Anong ginawa mo? Nilulong mo sa droga!”
Ayon pa kay Mrs. Kho, labis siyang nasasaktan sa panghuhusgang ginagawa sa anak. Ito’y pinaglalaruan, binibigyan ng kanta, tinatapakan at binabayo, kaya napakasakit.
Alam naman daw niya na may kasalanan ito, pero sobra naman kung manghusga ang mga tao.
May ibinulgar din si Mrs. Kho tungkol kay Lolit Solis. Aniya, orchestrated lahat ng nasabing talent manager ang mga ginawa ni Katrina.
“Alam mo ang ginagawa mo kay Katrina Halili is scripted. Sinabi mo rin ’yan, huwag ka nang tumanggi. Ang ginawa mo kay Katrina Halili ay ini-script mo, kung kailan iiyak, kung anong aartehan. Hindi ko alam kung sinong kasabwat,” mensahe ng ina ni Hayden kay Manay Lolit.
May binitiwan ding pahayag si Mrs. Kho para kay Sen. Bong Revilla na matatandaang unang nagbigay ng tulong kay Katrina.
“Nasasaktan lang po ako sa inyo, kagalang-galang na Sen. Ramon Revilla. Kung bakit pati ako tinitira mo rito. Ina ako na madaling masaktan,” sabi pa niya, kipkip ang isang kuwintas na may krus.
Samantala, sinagot ni Sen. Bong ang mga pahayag ng nanay ni Hayden. Aniya, ni minsan ay hindi niya isinangkot o binanggit si Mrs. Kho sa sex video scandal.
Naiintindihan daw niya ang damdaming-ina ni Mrs. Kho, pero may pagkakasalang nagawa si Dr. Hayden kaya dapat itong managot.
Sa pahayag naman ni Manay Lolit sa 24 Oras, aniya, huwag ilayo ni Mrs. Kho ang issue.
“Sinisisi ako. Ganyang-ganyan ang nakita ko kay Hayden Kho, kaya sinabi kong ayaw kong makipag-associate sa kanya.
“Wala siyang remorse, lahat sinisisi niya, sinisisi niya si Katrina, sinisisi niya ’yung mga ibang babae, sinisisi niya si Eric (Chua), sinisisi niya ang lahat.
“Pinalalabas niya na siya, wala siyang kasalanan, parang ’yung nanay niya, ’di ba?
“Lahat, si Eric, si Katrina, lahat may kasalanan, pero si Hayden mismo, walang kasalanan. Wala siyang remorse, wala siyang pagsisisi.
“Kumbaga, lahat ng nangyayari sa buhay niya, sisinisi niya sa iba. Gaya ng sinabi ng nanay niya, na si Katrina daw ang nagbibigay ng droga kay Dr. Kho. Sino ba ang doctor? Ang doctor dito si Dr. Kho, ’di ba?
“Siya pa ang bibigyan ng droga ni Katrina? Ang nagtataka ako, tine-take niya (Hayden) ang droga na ’yon? Isa pang bagay na masasabi ko, eto, ’pag meron siyang pagsisisi, sana wala nang itinuturo.
“May demolition job ngayon, eh, gusto i-sidetrack kung ano ang issue. Ang issue, ’yung video na kinunan ni Hayden Kho. Ngayon, kung anu-ano na ang nangyayari, sinisisi na si Bong, sinisisi ako, sinisisi nila si Katrina.
“Ang biktima pang gusto nilang lumabas si Dr. Kho? Walang bidyong lumabas kung ’di siya kumuha nu’n, walang bidyong lumabas kung hindi niya binaboy ’yung mga babae, ’di ba?” sabi pa ni Manay Lolit.
Samantala, the latest we heard ay inihahanda na ni Katrina at ng kanyang abogado ang kasong isasampa laban kay Mrs. Kho dahil sa mga sinabi nito.
Handa rin daw sumailalim sa drug test ang young actress para i-dispel ang claim ng nanay ni Hayden.