Home Headlines Labor Day: Stranded workers binigyan ng ayuda ng kapulisan

Labor Day: Stranded workers binigyan ng ayuda ng kapulisan

1331
0
SHARE

Namigay ng tulong ang Bulacan PMFC sa mga mangggagawa na ilang linggo ng naipit sa Luzon lockdown. Kuha ni Rommel Ramos



GUIGUINTO, Bulacan — 
Nasa 20 construction workers na naipit sa kanilang pinagtatrabahuhan sa Barangay Tabang dahil sa enhanced community quarantine ang binigyan ng kapulisan ng isang sakong bigas, 10 buhay na manok, canned goods, alcohol, at iba pang gamit sa personnal hygiene ngayong Araw ng Paggawa.  

Napagdesisyunan ng Bulacan Police Mobile Force Company na bigyan ng relief goods ang mga manggagawa matapos mapansin sa labas ng construction site ang dalawang upuan ang nakasulat sa papel na panawagan na “HELP US 20 construction workers.

Ang panawagan ng paghingi ng tulong ng mga stranded construction workers na napansin ng kapulisan.

Mula nang unang araw na ipatupad ang ECQ sa Luzon ay hindi na nakauwi pa sa kani-kanilang probinsiya ang mga manggagawa na mula pa sa Zamboanga, Bicol at Rizal.

Ayon kay Capt. Mike Udal, PMFC platoon leader, kinikilala nila ang kadakilaan ng mga manggagawang Pinoy ngayong Labor Day kayat kasabay ng paggunita sa kadakilaan ng mga maggagawa ay binigyan ng tulong ang mga stranded construction workers para maitawid ang pangangailangan ng mga ito na sasapat hanggang matapos ang ECQ sa May 15.

Nagpasalamat naman ang mga construction workers na sina Gabriel Gutierez, Richard Alcoran, at safety engineer Albert Renuyon sa mga ibinigay na tulong ng kapulisan na magagamit nila sa mga natitirang araw ng ECQ.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here