Home Headlines Labi ng Pinay OFW na nasunog sa aksidente sa Saudi naiuwi na...

Labi ng Pinay OFW na nasunog sa aksidente sa Saudi naiuwi na sa bansa

416
0
SHARE
Personal na nakiramay si OWWA Region 3 Director Atty. Falconi Millar sa mga naulila ng OFW na si Annaleth Robles. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MALOLOS — Naiuwi na sa bansa ang labi ng Pinay na OFW na namatay sa malagim na car accident sa Saudi Arabia.

Nakaburol na sa kanilang tahanan sa Barangay Balite dito ang labi ni Annaleth Dela Cruz Robles, 37, walong taon na domestic helper sa Adha, Saudi Arabia.

Namatay si Robles matapos na masunog ang kanilang van nang makabanggan ang isa pang sasakyan sa kahabaan ng Al Rain Isha Al wadi Dawasir Road habang sila ay papuntang Riyadh galing Adha noong Nov. 25, 2022.

Bukod sa kanya ay kasama niyang namatay ang kanyang amo at pamilya nito maliban sa isang 13-anyos na anak ng kanyang amo na nakaligtas sa aksidente.

Dumalaw naman sa burol si Atty. Falconi Millar, director ng OWWA Region 3 para seguruhin sa pamilya na makatatanggap ang naulila nito ng death benefits na nakalaan sa nasabing OFW.

Bukod dito, ayon sa OWWA ay makatatanggap din ng scholarship hanggang makatapos ng kolehiyo ang nag-iisang anak ng biktima na si Alexa Robles.

Nagpapasalamat naman si Alexa sa tulong na ibinigay ng OWWA at sa tanggapan ni Department of Migrant Workers Secretary Toots Ople na tumulong din para agad na maiuwi ang bangkay ng kanyang ina.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here