Habang nagsasalita sa The Buzz si Charlene last Sunday, kitang-kita ang pagpigil niya na mapaiyak.
“What I can say is that, sobra akong nagpapasalamat talaga sa naging experience namin ni Aga. What we’ve been through really just made me love Aga even more. Because talagang… you know, if I loved him a million times, now I love him one hundred million times more because of what he did and what he went through.
“Si Aga na talagang ipinakita niya na may paninindigan siya, he fought for what he believed in, and from the very beginning, marami talagang nagsasabi sa kanya na parang naging tutol sa naging desisyon niya na pumasok sa panibagong larangan.
“But it was his desire, his interest, ’yung kanyang hangarin that kept him going and really gave him the strength and me to push through with this endeavor,” sabi ni Charlene.
Bagama’t napakarami raw nilang pinagdaanan mula nang nagdesisyon si Aga na tumakbo sa pulitika — nariyang kwestiyunin ang residency nila sa CamSur, nariyang ayaw silang payagang makaboto at kung anu-ano pa, ayon sa host ng The Buzz, anuman ang nangyari sa kanila, itinuturing pa rin nilang tagumpay na umabot sila sa puntong finally ay makatakbo si Aga at maisulat ang pangalan sa balota.
“During this whole process, I say I’m so proud of Aga because he showed so much strength. Alam po niya na ang labang ito ay hindi magiging madali sa kanya, but still, he went through it against all odds.
“And I really just admire him even more today. Because ’yung laban ni Aga, there was a point in time na it wasn’t about Aga anymore but it was really the fight for the people.
“And through this process, we’ve made many friends, a lot of friendships and a lot of people supported us along the way. Sobrang naging overwhelming po talaga ang pagmamahal (ng mga tao) sa amin ni Aga and there are many things that you learn in a journey like this.
“One thing that I have learned that I say till today, is that I’ve learned to speak up, I’ve learned to have my voice and I’ve learned to have the strength and courage to say it’s okay na ipaglaban n’yo po ang inyong karapatan.
That’s one of the major lessons I’ve learned here,” pahayag pa ng misis ni Aga.
Walang-wala raw siyang pinagsisisihan sa lahat ng nangyari sa kanila at pinakamalaking blessing daw para sa kanila ang buong Partido na nagmahal at sumuporta sa kanila to the point na lumabas daw ang mga ito sa kalye, nag-People Power at natulog pa raw sa harap ng munisipyo.
“It’s so overwhelming to see how you can touch so many people’s lives,” she said.
Nagpasalamat din si Charlene sa lahat ng mga taga-industriya na tumulong sa kanila tulad nina Kris Aquino, Sharon Cuneta, Bayani Agbayani, Boy Abunda, Cesar Montano, Angel Locsin, Andrew E., Sen. Kiko Pangilinan, Willie Revillame, Randy Santiago, Martin Nievera, Pokwang and Regine Velasquez, among others.
Sa totoo lang, si Charlene man ay dapat papurihan sa suporta niya sa asawa. Sa mga pananalita niya, kitang-kita mo na naroroon siya parati sa tabi ng asawa at karamay siya sa lahat ng pinagdadaanan nito.
Unlike some of the wives that we know na pagdating sa politics ay hindi nakikialam sa kanilang mister. Pero si Charlene, talagang full support siya kay Aga at talagang hindi niya ito iniwan sa laban.
Samantala, ayon kay Charlene, hihintayin na lang daw nila ang legal na proseso tungkol sa naganap nitong nakaraang eleksyon at sa ngayon, wala pa ring desisyon si Aga kung ano ang susunod na mga hakbangin.