MALOLOS – Bibili ng makabagong kagamitan at magtatayo ng laboratoryo ang Bulacan upang maproteksyunan at higit na mapalakas ang industriya ng paghahayupan sa lalawigan, ayon kay Gob. Wilhelmino Alvarado.
Ito ay bilang tugon sa pamamayagpag ng bentahan ng karneng botcha o double dead meat sa lalawigan habang nalalapit ang kapaskuhan.
Ayon kay Alvarado, wala lang nakahandang pondo upang gugulin sa pagbili ng makabagong kagamitan at sa pagtatayo ng laboratoryo, ngunit iginiit niya Sna maaari silang mag-realign o kumuha ng pondo sa ibang programa upang ilaan sa nasabing plano.
“Kailangan ng magtayo ng Bulacan ng laboratoryo na may makabagong kagamitan upang mabigyang proteksyon ang industriya ng paghahayupan sa lalawigan,” ani Alvarado.
Bukod dito, sinabi niya na kailangan ding matiyak na ligtas ang mga karneng baboy na ibinbenta ng Bulacan sa kalakhang Maynila bilang proteskyon sa mga mamimili.
Sa kasalukuyan, ang Bulacan ang pinagmumulan ng may 60 porsyento ng may 1-milyong metriko toneladang karneng pangangailangan ng kalakhang Maynila bawat araw.
Ayon sa gobernador, ang pagtiyak na ligtas ang mga karneng baboy sa Bulacan ay isang proteksyon sa mga mamimili.
Sinabi niya na kung mananatiling malakas ang benta ng karneng baboy sa Maynila, higit na uunlad ang industriya ng paghahayupan sa lalawigan na magbibigay ng dagdag na pagkakakitaan sa mga Bulakenyo.
Ang pagtatayo ng laboratoryo at mga kagamitang nito para sa pagtukoy ng mga sakit na nakakahawa sa mga hayop sa lalawigan ay unang hiniling ng mga kasapi ng hog raisers association sa Bulacan noong 2007.
Matatandaan na noong Hunyo hanggang Agosto 2007 ay nanalasa ang sakit na swine flu at hog cholera sa mga babuhay sa Bulacan.
Dahil walang kagamitan sa lalawigan, ang mga tissue sample ng mga may sakit na baboy ay ipinasuri pa ibayong dagat.
Ganito rin ang nangyari noong Disyembre 2009 kung kailan ay natuklasan ang sakit na ebola reston virus sa isang babuyan sa bayan ng Pandi.
Ang tissue sample sa nasabing sakit ay ipinasuri sa Estados Unidos at ng makumpirma, ipinapatay ang lahat ng baboy sa isang babuyan sa Pandi noong Marso 2009.
Ayon kay Alvarado, maging ang kaso ng bird flu sa Brgy. Pungo, Calumpit noong 2005 ay kinailangang pang ipasuri sa Australia kung saan ay natuklasang hindi ito nakakahawa.
“Matagal ang pagsusuri dahil sa abroad pa isinagawa, pero habang naghinitay tayo ng resulta, halos bumagsak naman ang industriya ng paghahayupan dito sa Bulacan,” ani ng gobernador.
Ipinaliwanag niya na kung mayroong laboratory sa lalawigan, anumang sakit ng hayop ay masusuri agad at matutugunan din ng mabilis.
Matatandaan na nitong huling linggo ng Nobyembre ay naitala sa lalawigan ang mga kaso ng bentahan ng karneng botya matapos masakote ng mga pulis ang isang sasakyan na may lulang daang kilo ng karneng botya na ibebenta sana sa kalakhang Maynila.
Ang pagkakahuli sa nasabing ilegal na karne ay nalathala sa mga pahayagan at sinasahimpapawid sa mga radyo at telebisyon na naging sanhi upang bumaba ang benta ng karneng baboy mula sa Bulacan.
Ayon sa mga magbababoy, bumaba ng 20 porsyento ang kanilang benta sanhi ng mga insidente ng bentahan ng karneng botya.
Sinabi naman ng ilang source na may mga tagapamahala ng malalaking babuyan sa lalawigan na nagsasamantala na maibenta ang mga namatay na baboy samantalang dapat sa mga iyon sunugin at ilibing sa loob ng kanilang bakuran upang hindi makahawa.