Kylie Padilla pinagseselosan ni Marian Rivera?

    796
    0
    SHARE

    Hindi kaya magkaroon ng malaking problem a si Kylie Padilla kay Marian Rivera ngayong siya na ang bagong leading lady ni Dingdong Dantes? As we all know, naging problematic ang mga babaing nakatambal ni Dingdong in the past dahil sa sobrang pagseselos daw ni Marian Rivera.

    May malaking pagbabago sa nga sa bagong soap opera ni Dingdong Dantes sa GMA 7 na magsisimula na ang taping sa September 3, ang ‘Haram.’

    Di na si Lovi Poe ang leading lady niya, gaya ng naunang napabalita, kundi si Kylie Padilla na. Katrianggulo pa rin si Neil Ryan Sese sa naturang soap  opera na ididirek ni Maryo J. delos Reyes.

    Tiyak matutuwa nito ang fans ni Dingdong dahil sure na siyang iha-handle ng award-winning at top rating director na si Maryo J. Last July pa namin nabalitaan ang project na ito na isang contemporary Muslim inspired story.

    Sa mga project na inilatag ng GMA production office kay Direk Maryo Jr., tanging ang Haram ang nagustuhan ng award-winning director. Magkakaroon ng Muslim consultant ang production para matalakay nang maayos ang mga sensitive area ng  Muslim culture sa bansa.

    Heto na nga, may nagsasabing baka maintriga sina Kylie at ang real life girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera.

    Safe na safe daw na tambalan ito dahil balitang nagkabalikan na sina Kylie at Aljur Abrenica.

    Owwwwss?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here