Kyla pakasalan pa kaya ni Rich Alvarez?

    318
    0
    SHARE
    Hindi raw ba gagaya si Kyla sa ibang artsta na nagli-live in na kahit di pa kasal?  Your see, limang taon na sina Kyla at si Rich Alvarez pero hanggang ngayon wala pang proposal si lalake sa kanya. 

    Minsan daw, lalo na kapag madalang silang magkita dahil sa pagiging busy niya sa showbiz at si Rich naman sa basketball games, naiisip nila kung ano kaya ang feeling ng magkasama na sila sa iisang bahay.

    “Wondering lang naman, kunyari dito ka na umuwi sa amin, mga ganu’n. Pero joke lang. Hindi papayag (ang parents ko), naku, giyera ito!” natatawang litanya ni Kyla.

    Ni hindi pa nga raw sila nakakapagbiyahe o nakakapagbakasyon nang sila lang dalawa ang magkasama. Super strict at conservative kasi ang parents ng singer.

    Limang taonnanga ang dalawa pero hanggang ngayon, wala pa ring katiyakan kung kailan sila pakakasal.

    Stable naman na raw siya kahit paano at may kaunti nang naipon. Ang siste, dahil babae, ayaw niyang mag-assume kaya naghihintay na lang kung kelan magpo-propose ang longtime BF.

    Si Rich ang kauna-unahang boyfriend ni Kyla at sa history daw ng pamilya nila, kadalasan, ang mga first boyfriend ang nakakatuluyan nila.

    Ganu’n daw ang naging kaso ng mommy niya at maging ng ate niya.

    Siyempre, masarap daw isipin na sila na ni Rich ang magkakatuluyan. Pero ’yun nga, wala pa itong sinasabi sa kanya, kaya waiting pa rin ang beauty niya.

    Maging ang tatay daw niya, minsan nang tinanong si Kyla kung ano ang plano nila. Mukhang mas naiinip pa raw ito kesa sa kanya.

    Pero gaya ng lagi niyang sinasabi, ayaw daw madaliin ni Kyla ang BF. Kung ano na lang ang ibigay ng Diyos, kung loloobin nitong sila ang magkatuluyan, ipagpapasalamat niya.

    As of now, nag-e-enjoy pa naman daw sila ni Rich sa pagiging magsyota. Makasal man sila, hindi raw maghahangad ng sobra si Kyla basta’t ang importante, makabuo sila ng magandang pamilya.

    Sa description niya, pareho silang childlike ni Rich at sa loob ng limang taon, minsan pa lang sila nag-away. Hindi na nga lang niya binanggit ang rason nito.

    “Ang sarap lang ng feeling na you are loved back and you love the person. Very pure and sincere ’yung relationship,” aniya pa na tipong in love na in love.

    Anyway, hindi raw sila naiinip at alam nila na darating din sila sa stage na ’yon pagdating ng tamang panahon.
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here