Home Headlines Kuya Kim, ano na?

Kuya Kim, ano na?

382
0
SHARE

Ang isyu hinggil sa ipinagbabawal
dumaan sa ‘highway’ ang mga ‘tricycle’
na pampasahero, ‘again and again’ yan,
pero ito ba ay pinakikinggan?

Partikular itong yan lamang ang tangi
nilang hanapbuhay gustuhin at hindi,
ng nakararami na tulad nang dati
madaling mahanap ang krus ng salapi.

Di kagaya noon di pa masisikip
ang mga kalsada at tanging mga dyip
at taxi lang itong sa daan malimit
dumaan ay hindi gaanong matrapik.

Pero sa ngayon kung ang mga kalsada
ay daanan pati riyan ng maliit na
sasakyang pang-kati ay takaw disgrasya
sanhi ng matao pati na ang rampa.

At d’yan ay ‘tricycle’ itong argabyado
sa pagbiahe’t saka pagbagtas din nito
dyan sa mga ‘main road’ sa panahong ito,
kaya pinagbawal na ngayon ng husto.

At sila rin naman ang kumbaga’y ligtas
sa ikapahamak sanhi ng sila’y mas
maliliit kaysa bus at saka ‘truck’
kaya natural na ipagbawal dapat.

Kaya lang alam nang ipinagbabawal
sa mga ‘main road’ ang gaya ng ‘tricycle,
kogkog at iba pang klase ng sasakyan
sumunod dapat ang kinauukulan.

Pero kung gaya niyan na paulit-ulit
nang sinasabihan ay di nakikinig,
ang nagtraysikel gawing mas mahigpit
ang pagpapatupad nitong mga pulis.

At mga ‘enforcer’ ng batas trapiko
nang di mamihasa mas higpitan nito
ang panghuhuli sa ‘violators’ mismo,
ng may kaakibat na multang doblado.

At gawin nang walang kinikilingan din
na mga pasaway sa trapiko natin,
at komo kaanak siya o pamangkin
ni Chief, ni Kapitan okey lang sa atin.

Kasi nga kung ganyang walang pagbabago
ang pagpapatupad sa batas trapiko
ng mga ‘enforcers’ gunaw na ang mundo
ang sistemang bulok walang pag-asenso.

At ito namang d’yan ay ‘again, and again’
ang ninanais na gustong pairalin
ng wagas sa puso at kaisipan din,
hanggang kailan nila magagawang tupdin?

Lakihan ang multa sa mga pasaway
na ayaw sumunod ay wala ring saysay
kung walang seryoso riyang magbabantay
na handing sumupil sa katiwalian.

Bumilang man tayo ng maraming taon
sa pagtuklas riyan ng ‘the best’ na solusyon
para sa sakit ng ating bansa ngayon,
pinaka-matindi ang ‘graft and corruption’.

At napakarami na riyang nahawaan
di lang sa kalsada at mataong lugar,
kundi pati na raw yata Malakanyang
may sintomas na ng sakit na naturan?!~

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here