Kuya Germs pinaligaya ni Councilor Ariel Inton

    437
    0
    SHARE
    Nitong nakaraang mga araw, nagkaroon ng kontrobersya sa pagtian nina Kuya Germs at ang Quezon City Vice Mayor na si Herbert Bautista. Of course, hindi ikinaila ni Kuya Germs yung sakit ng loob niya dahil kamukha raw niyang artista si Herbert bukod pa run sa itinuring niya itong kaibigan pero di nito mabigyan ng prioridad yung panukalang gawing City of Stars ang Quezon City na noon pa man ay nailabas na sa city council ng Quezon City.

    Matagal na nabinbin ito kaya nung inakala ni Kuya Germs na dapat na siyang kumilos, pinuntahan nga niya si Herbert Bautista para magpatulong dito, pero nagsanga-sanga na’ng kontrobersya.

    This time, pinangunahan ni Councilor Atty. Ariel Enrile Inton ang hearing na siya ang chairman ng committee.

    Katuwang ng Majority Floor Leader Inton sina Coun. Winnie Castelo, Coun. Edcel Lagman, Jr., Coun. Bernadette Herrera-Dy, Coun. Connie Malangen, Coun. Jimmy Borres at Coun. Doray Delarmente. 

    Hindi binigo ng mga nasabing konsehal si Kuya Germs, at lalong mas pinaganda pa nila ang pa-nukalang maging City of Stars ang Lungsod Quezon.

    Sa panukala ay mabibigyan na rin ng pondo ang Walk of Fame ni Kuya Germs sa pamamagitan ng taunang pagdagdag ng One Peso sa bawat tiket sa mga sinehan at ang pondong ito ay ilalagak sa Walk of Fame Foundation.

    Sa pamama-gitan ng nasa-bing pondo, tuluyan nang makahihinga ang bulsa ng Mastershowman.     

    Ipinanukala rin ni Coun. Cas-telo na magtatatag ng ‘special body’ na siyang mangangasiwa sa P5M pondong ilalaan ng QC gov’t para sa proyekto ng lungsod bilang City of Stars.

    Idineklara rin na  every second week of March ay regular nang magkakaroon ng City of Stars Week para lalong lumutang ang QC bilang City of Stars dahil nasa QC ang TV at radio stations, at  malalaking movie productions.

    Parang nagkaroon ng reunion ang That’s Entertainment nang dagsain ng mga dating miyembro ng nasabing TV show ang QC Session Hall para suportahan si German Moreno sa hearing ng Committee on Laws, Rules and Internal Government para sa itinutulak niya na maging City of Stars ang Lungsod Quezon.

    Dumalo ang mga anak-anakan ni Kuya Germs na sina Brylle Mondejar na kasalukuyang Kagawad ng Brgy. Obrero , QC , Doña Josefa Brgy. Capt. Jigo Garcia, Kagawad  Maricon Borja ng Brgy. Santol, Michael Espinosa at kuya ni Judy Ann Santos na si Jeffrey Santos.

    Pagkatapos ng hea-ring ay hindi naiwasang mapaluha si Kuya Germs sa sobrang kaligayahang natamo mula sa mga konsehal lalo na kay Atty. Inton.    

    “Kay Atty. Inton nag-karoon ng katuparan ang isa sa aking mga pangarap sa buhay. Bilib na talaga ako sa kanya. Action man siya dahil sa maiksing panahon ng kahilingan ko ay agad niya itong tinupad.

    “Nagpapasalamat din ako sa mga konsehal na sumuporta sa aking panukala. Maraming, maraming salamat sa inyo,” pahayag pa ni Kuya Germs.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here