Dumalo si Kuya Germs sa presscon ng Talo, Tabla, Panaloo, isang matinong indie film, directed by Buboy Tan.
Buong ningning na sinagot ni Kuya Germs ang lahat ng mga katanungan sa kanya. Being the lead star of Talo (by the way, trilogy ang pelikula at una
yung istorya revolving around the character of Kuya Germs). Isang sugarol na ama ang role ni Kuya Germs in this adcvocacy films at dito naipakita niya ang character nang buong husay.
Kunsabagay, puwede naming sabihin talasgang de kalibre na si Kuya Germs having been in the business for almost fifty years.
This 2013, he will celebrate his golden anniversary sa showbiz at talaga namang isang malaking palabas ang gagawin sa Resort World on April 24. Kasabay ng kanyang ikalimapungtaon, isang coffee table book ang inihahanda ng GMA 7 tungkol sa kanya.
“I am vewr thankful sa GMA 7 sa pag-aalaga nila sa akin, I feel I am part of them,” sabi pa ni Kuya Germs.
But aside from the papuris, meron din namang itinatagong mga sama ng loob si Kuya Germs against his network. Pero nililinaw niyang matagal nang tapos yun at kung nababanggit man niya ito ngayon, yun ay bahagi na lang ng istorya niya sa showbiz.
“I don’’t understand, hindi ko talaga maubos-maisip kung bakit kailangan nilang patayin ang isang programang mataas ang rating. Bakit kailangang putulin nila yung ginagawa kong pagtulong sa maraming baguhan.”
Ang tinutukoy ni Kuya Germs ay yung kanyang advocacy progrman noon sa GMA 7 na That’s Entertainment.
At its peak, tsinugi ito ng GMA 7 gayung ang dami namang artistang nagawa mula sa programa.
“Sino bang magsasabing hindi sikat ang That’s Entertainment., After many years nawala na ito sa ere, hanggang ngayon, napag-uusapan pa rin ito.
At patunay daw ng tagumpay ng That’s ay yung tagumpay din ng maraming artistang na-build up sa show.
Oo nga naman!.