Gusto ko lamang ituloy ang kuwento ng dalawang lungsod na aking nasimulan. Muli, hindi ang Paris at London ang aking tinutukoy, kundi ang dalawang lungsod sa Pampanga, ang Angeles at San Fernando.
At muli, masasabi ko ring paulit-ulit, mapalad ang mga Fernandino sa maraming maraming mga bagay kung ihahalintulad sa mga Angeleno.
Ano nga ba ang mayroon at wala sa dalawang lungsod ng Pampanga?
Ang San Fernando ay napapasailalim ngayon sa Public Governance System o PGS na ipinakilala ni dating finance secretary Jesus Estanislao. Naglalayon itong isaayos ang sistema ng pangungubyerno sa mga piling lokal na pamahalaan o LGUs sa bansa upang magsilbing mga modelo ng iba pang mga LGUs.
Ayon kay Estanislao, isa umano itong epektibong paraan upang higit na mabawasan, o lubos na maalis ang korapsyon sa pamahalaan dahil nagiging malinaw o transparent ang pamamalakad ng mga opisyales. Ang San Fernando ay naghahanda na para sa ika-apat na lebel ng PGS. Kahit magkaroon pa ng pagbabago sa liderato ng lungsod, ang mga nailagay na sistema ang siya paring ipapatupad ng magiging mga lider nito sa mga darating pang mga taon o dekada.
Isa kasi sa mga long term goals ng mga opisyales ng lungsod ay ang gawin itong isang kaaya-aya at progresibong lugar para sa mamamayan at sa mga imbestor.
May sistema ring ipinatutupad sa Angeles at PGS din ang tawag umano dito – ito ang “Private Governance System”. Naglalayon itong itago ang mga pampublikong dokumento upang hindi ipaalam sa bayan kung saan ginagastos ang perang galing din sa mamamayan. Isa umano itong epektibong paraan upang ang pondo ay magamit sa pagpaparami pa ng mga ghost at job order (JOs) employees na gagamitin din sa darating na eleksyon sa 2010. Ang Angeles ay nasa pinakamataas nang lebel ng sarili nitong PGS at kapag nagkaroon ng pagbabago sa liderato sa lungsod, ang lahat na mga nailagay na sistema ay magiging walang kabuluhan.
Isa kasi umano sa mga short term goals ng ilang mga opisyales ng lungsod ay ang gawin itong isang “bakang gatasan” para yumaman.
Ang San Fernando, maliban sa mahigit na 40 school buildings na may dalawang palapag, napag-alaman ko na humigi’t kumulang na pala sa 10,000 ang mga iskolar ng lungsod. Ang mga nasa kolehiyo ay nakakatanggap ng P5,000 bawat semester at ang mga high school naman ay P2,000.
Huwag niyo nang itanong kung mayroon sa Angeles nang ganito kadaming mga iskolar sa kabila ng humigi’t kumulang na P1 bilyong pondo ng lungsod noong 2008 at ngayong 2009. Mas importante ang mga JOs at ghost employees kesa sa mga iskolar.
Ang San Fernando ay may Heritage Preservation Program na pinapahalagahan ang mga makasaysayang lugar at pangyayari sa lungsod. Naglalaan ng pondo taun-taon ang pamahalaang lokal para sa programang ito upang patuloy na mapangalagaan ng mga Fernandino ang kasaysayan at kulturang kanilang pinagmulan.
Ang Angeles ay may preservation program din, hindi nga lang ang mga makasaysayang mga lugar at pangyayari ang pinapahalagahan at pinopondohan, kundi ang mga proyektong wala namang ganoong kalaking benepisyo sa mga tao at nagkakahalaga ng milyon-milyong piso o ang mga tinatawag na overprized projects.
Higit sa lahat, ang mga Fernandino ay mapalad dahil sila’y naghalal ng isang lider na may kakayahan, kaalaman at katapatang maglingkod sa lungsod.
Mapalad din naman ang mga Angeleno sapagkat mayroong isang SM City Clark na pwedeng pag-palipasan ng pagka-bugnot, pagka-dismaya at pagka-lungkot sa nangyayari sa kanilang lungsod.
“It was the best of times, it was the worst of times, it was the age of wisdom, it was the age of foolishness, it was the epoch of belief, it was the epoch of incredulity, it was the season of Light, it was the season of Darkness, it was the spring of hope, it was the winter of despair, we had everything before us, we had nothing before us, we were all going direct to heaven, we were all going direct the other way – in short, the period was so far like the present period, that some of its noisiest authorities insisted on its being received, for good or for evil, in the superlative degree of comparison only.”
–Charles Dickens, A Tale of Two Cities
English novelist (1812 – 1870)
“It was the best of times (in the City of San Fernando), it was the worst of times (in Angeles City…)”