Home Headlines Kusina sa Barangay patuloy

Kusina sa Barangay patuloy

1652
0
SHARE

Ilan sa mga pagkaing ipinamahagi para sa Kusina sa Barangay. Kuha ni Ernie Esconde



LUNGSOD
NG BALANGA — Ibinalita ngayong Lunes ni Gov. Albert Garcia na patuloy ang programang “Kusina sa Barangay” ng pamahalaang panlalawigan mula nang mapasailalim sa general community quarantine ang Bataan.

Noong isang araw lamang, sabi ng governor, namahagi ang provincial government ng mga canned goods tulad ng sardinas, meatloaf, corned beef at tuna, pati na kape sa mga bayan ng Abucay, Bagac, Orion, Dinalupihan, Pilar, Hermosa, Orani at lungsod na ito.

“Ito’y upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayang higit na naapektuhan ng pandemyang dulot ng coronavirus disease,” sabi ni Garcia.

Ang mga ito, aniya, ay karagdagang tulong lamang sa mga regular na rasyong bigas at ibang pagkain na ipinamamahagi ng pamahalaang provincial, municipal at barangay.

Sa pamamagitan ng “Kusina sa Barangay, nagluluto ng pagkain, halimbawa mula sa kinatay na baboy, kambing, manok o baka ang mga tauhan ng barangay at dinadala bahay-bahay.

May mabubuting kalooban na nagbibigay ng baboy, isda at iba pa. Ang barangay Alion sa Mariveles, halimbawa, sa pangunguna ni punong barangay Al Balan ay nagluluto pa ng beef steak at kare-kare.

Iniipon din nila ang available root crops sa barangaytulad ng kamote at kamoteng-kahoy bilang pangmeryenda.

Lubos ang pasasalamat ko sa lahat ng mga kapitan, kagawad, at  volunteers, pati na sa mga may mabubuting kalooban na kusang naglalaan ng kanilang oras at lakas sa pamamagitan ng pagtulong sa pagluluto, paghahatid ng lutong pagkain sa mga bahay-bahay, pagsisilbi, maging sa mga nagpahiram ng kanilang mga gamit sa pagluluto, gaya ng mga kaldero, kawali, kalan, at LPG tanks,” sabi ng gubernador.

Mula umano nang ilunsad ang programang ito, patuloy ang koordinasyon niya sa mga mayor, kapitan at iba pang mga opisyal gamit ang Zoom application upang masubaybayan ang maayos na implementasyon ng nasabing programa.

Ang ipinakikita nating pagkakaisa, pagmamalasakitan at pagtutulungan sa panahong ito na tayo ay nahaharap sa napakalaking hamon ng Covid-19, ang tunay na kahulugan ng 1Bataan na isang malinaw na indikasyon na sa gabay ng ating Panginoon, sama-sama nating mapagtatagumpayan ang labang ito,” ani Garcia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here