Kunwari’y STL, pero sa totoo lang, Jueteng?

    441
    0
    SHARE
    Anhin man po yatang tangkaing supilin
    Ng pamahalaan ang illegal gambling,
    Pero hayan, partikular na ang jueteng
    Ay buhay na buhay sa paligid natin;

    Kung saan base sa mga pinakitang
    Ebidensyang nakalap ni Gob nang minsang
    Mapadaan kami sa kanyang tanggapan
    Ay posibleng tama ang hinala po n’yan;

    Na papelitos lang ng STL itong
    Ginagamit po riyan ng mga kubrador
    Kung kaya’t bawal man, ito ay patuloy
    Na namamayagpag sa bayan at nayon.

    Kung ani sir Dennis, bakit di hinuli  
    Ni Gob ang ‘bet collector’ kung sa nasabi
    Nga pong kubrador ay mismong ang sarili
    Nito ang tumaya sa madaling sabi?

    Pero tila mali ang pagka-unawa
    Ng alkalde sa binitiwang salita
    Ni Among sapagkat ang sinabi yata
    Ay may inutusan lang siyang tumaya!

    Tayo man marahil ang maging kubrador
    Ay di natin kukuhanan ng ‘bet’ itong
    Kilalang-kilala nating Gobernador
    Na nomiro unong anti jueteng ngayon.

    At sa amin mismo ay ipinakita
    Ni Among pati kopya ng pataya niya,
    Kung saan madali mong makikilala
    Na ya’y di para sa STL talaga;

    Na kataka-takang kung bakit sa likod
    Ng pataya nila o sa papelitos
    Nitong may logo ng STL (bilang front?)
    Nakasulat pati ang ‘bet’ nitong puntos!

    Kasi kung totoong ya’y sa STL nga
    Eh bakit sa ganyang estilo pa kaya
    Isinusulat ang nomiro ng taya
    Nitong sa jueteng ay dating mananaya?

    Kaya ano pa ba ang posible nating
    Hinalain kundi ‘yang putris na jueteng
    Ay patuloy pa rin at nanatiling
    Namamayagpag sa paligid po natin!

    At bet collector ng naturang illegal
    Na sugal ang ating nakakapanayam;
    Kung saan ang hinagpis ng karamihan
    Hinggil sa STL – mababa ang bigay;

    O patama sa bawat pisong pataya,
    Kumpara sa jueteng, nitong STL nga;
    Kung kaya imbes sa legal yan tumaya
    Ay sa dating gawi bumabalik kusa!

    Pero kundi dahil sa tatlong nomiro
    Na idinagdag sa ‘number game’ na ito,
    At ang pisong ‘bet’ ay di ginawang walo?
    Ay sa STL na yan tatayang piho!

    Kasi nga, kung liban sa naging kuwarenta
    Ang dati ay treynta’y syete lang talaga,
    At ang patama nga ay binawasan pa,
    Yan ay sa jueteng na patagong pupusta!

    Iyan ang malaking pagkakaiba n’yan
    Kung kaya natural na kung mayrun po r’yan
    Nitong sinauna na mas kakaunti lang
    Ang nomiro ang siya nilang tatayaan;

    (May karugtong)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here