Katuwiran nitong City Administrator
Ay sa puntong di raw yata aprub ang ‘loan’
Sa PVB kung di pagkakitaan ‘yon,
Eh bakit pursigido pa sina Mayor?
Upang ituloy nila ang pangungutang
Sa PVB o Philippine Veterans Bank,
Gayong higit pa sa pakikipagsugal
Ang peligro nitong gustong ipangutang?
Sa akala kaya nina Mayor ‘Blueboy’
Ay magpapanhik ng kuwarta sa City Hall
Ang sports complex na halos isang bilyon
Ang aabutin n’yan kapag itinuloy?
At animo ay di matamang binalak
Ng mga opisyal ng nasabing siyudad
Ang posibilidad na di makabayad
Sa takdang panahon, marima’t sukat.
Kung saan posibleng sa interes lamang
Ng napakalaking perang mauutang,
Ay baka tuluyan ng mababaon d’yan
Ang Angeles City sa pagkakautang.
Sa loob lamang ng mga ilang taon
Na ni interes ng Walong Daang Milyon,
Ay di mabayaran sa takdang panahon
Ng city government sa kamay ni Blueboy.
Pagkat kagaya nga ng ating nasabi
Ay wala naman ding katiyakan pati,
Na ang sports complex sa Angeles City
Ay posibleng kumita yan ng malaki.
Sabi ni City Administrator Sison,
Ang PVB ay di nagre-‘release’ ng ‘loan’
Kung di para lang sa gaya ng proyektong
Tiyak na kikita… buti pa sigurong
Huag n’yo nang ituloy ang ganyang proyekto
Na magbibigay lang ng sakit ng ulo;
At makabubuting tularan na lang n’yo
Ang World Class, City Mayor ng San Fernando;
Na nangutang din po ng ilang milyones
Pero di para sa mararangyang ‘project’
Inilaan, kundi sa programang higit
Na nangangailangan ng kanyang tangkilik.
High school building sa lahat ng barangay
Ang ipinatayo mula sa inutang
Ng city government, sa isang bangko r’yan,
Na maluwag naman ding nababayaran.
At di lang ‘high school’ sa naturang siyudad
Ang ngayon ay napatapos na ring ganap,
Kundi may kolehiyo ring magpapa-angat
Sa edukasyon ng mga kapos-palad;
Na ni sekondarya’y hirap makatapos
Ang nakararaming batang Fernandinos
Na ang magulang ay walang maitustos
Sa pag-aaral n’yan sapagkat hikahos.
Pero nang dahil sa hangarin ni Oca
Na mabigyan niya ang lahat ng bata
Ng pagkakataong makapag-aral nga,
Ay pihong wala ng bata pang luluha;
Na tulad nang naging karanasan noon
Ni Mayor Rodriguez nang siya’y high school;
Kung saan kapag siya’y di bayad sa’tuition’
Ay di makapag-‘take’ ng ‘examination;’
(At pinalalabas ng titser sa ‘classroom’
Ng may luha sa mata ang ngayo’y Mayor!)
Ay sa puntong di raw yata aprub ang ‘loan’
Sa PVB kung di pagkakitaan ‘yon,
Eh bakit pursigido pa sina Mayor?
Upang ituloy nila ang pangungutang
Sa PVB o Philippine Veterans Bank,
Gayong higit pa sa pakikipagsugal
Ang peligro nitong gustong ipangutang?
Sa akala kaya nina Mayor ‘Blueboy’
Ay magpapanhik ng kuwarta sa City Hall
Ang sports complex na halos isang bilyon
Ang aabutin n’yan kapag itinuloy?
At animo ay di matamang binalak
Ng mga opisyal ng nasabing siyudad
Ang posibilidad na di makabayad
Sa takdang panahon, marima’t sukat.
Kung saan posibleng sa interes lamang
Ng napakalaking perang mauutang,
Ay baka tuluyan ng mababaon d’yan
Ang Angeles City sa pagkakautang.
Sa loob lamang ng mga ilang taon
Na ni interes ng Walong Daang Milyon,
Ay di mabayaran sa takdang panahon
Ng city government sa kamay ni Blueboy.
Pagkat kagaya nga ng ating nasabi
Ay wala naman ding katiyakan pati,
Na ang sports complex sa Angeles City
Ay posibleng kumita yan ng malaki.
Sabi ni City Administrator Sison,
Ang PVB ay di nagre-‘release’ ng ‘loan’
Kung di para lang sa gaya ng proyektong
Tiyak na kikita… buti pa sigurong
Huag n’yo nang ituloy ang ganyang proyekto
Na magbibigay lang ng sakit ng ulo;
At makabubuting tularan na lang n’yo
Ang World Class, City Mayor ng San Fernando;
Na nangutang din po ng ilang milyones
Pero di para sa mararangyang ‘project’
Inilaan, kundi sa programang higit
Na nangangailangan ng kanyang tangkilik.
High school building sa lahat ng barangay
Ang ipinatayo mula sa inutang
Ng city government, sa isang bangko r’yan,
Na maluwag naman ding nababayaran.
At di lang ‘high school’ sa naturang siyudad
Ang ngayon ay napatapos na ring ganap,
Kundi may kolehiyo ring magpapa-angat
Sa edukasyon ng mga kapos-palad;
Na ni sekondarya’y hirap makatapos
Ang nakararaming batang Fernandinos
Na ang magulang ay walang maitustos
Sa pag-aaral n’yan sapagkat hikahos.
Pero nang dahil sa hangarin ni Oca
Na mabigyan niya ang lahat ng bata
Ng pagkakataong makapag-aral nga,
Ay pihong wala ng bata pang luluha;
Na tulad nang naging karanasan noon
Ni Mayor Rodriguez nang siya’y high school;
Kung saan kapag siya’y di bayad sa’tuition’
Ay di makapag-‘take’ ng ‘examination;’
(At pinalalabas ng titser sa ‘classroom’
Ng may luha sa mata ang ngayo’y Mayor!)