Tanda ko pa kahit ‘seventy years ago’
na ang nakalipas at ‘grade 6’ na ako
nang si Apo Lakay Elpidio Quirino
ang sa halalan ay pinalad manalo.
Sumunod si Ramon Magsaysay – na siyang
kay Luis M. Taruc ang nagpasuko upang
isalong ang maling ipinaglalaban,
na kung saan siya ay tumugon naman.
Carlos P. Garcia ang siyang sumunod
diyan sa Palasyo sa puesto naluklok
nang apat na taon – at ‘Poor Boy’ kabuntot
ng “Eagle of the North” Ferdinand E. Marcos;
Na siyang sa lahat ng naging Pangulo
ang tanging umabot hanggang beinte uno
anyos ‘as president’ at ang iba puro
tig-apat na taon lamang sa Palasyo.
Liberal at saka Nacinalista lang
itong sa anumang puesto naglalaban,
di gaya nang ngayon kahit isang daang
pampangulo puedeng humabol, kabayan?
At heto – nang itong Corazon na nga
ang umupo bilang Pangulo ng bansa,
ang dating ‘4 years’ lang, aba’y pinahaba
base sa repormang batas na ginawa.
Naging ‘six years’ na at walang ‘re-election’
pati ba ang Bise? ‘but except the Solons,’
na kahit ilang ‘terms of office can go on,’
na hindi na dapat pang ipagpatuloy.
Pagkat ang inuban na riyan sa Senado,
pati na rin ang ‘stay-in’ sa Kongreso;
sila-sila na lang ang maupong piho
hanggang sa abutin ng “Big Bang” ang mundo!
Gaya halimbawa riyan nina Gordon,
Legarda, Revilla, Estrada at Drilon,
at mga lipi ng mga dating kampeon,
i-ban na dapat sa kanilang paghabol.
Kung saan may limit sa pagka-Pangulo,
at iba pang dapat tatlong ‘term’ siguro,
ang siya ring gawin sa iba pa riyang puesto
nang magkaroon ng limit ang pagtakbo.
Nang sa gayon itong inamag na’t lahat
sa puesto, tumigil na sa kagagayak
para mag-reelect kasi nga’y masarap
mamulot d’yan ng Tong at saka Pastillas!
At mapalitan na riyan ng bagong mukha
itong sa pagtakbo ay di na nag-sawa;
upang sa gayon ay pati na ulikba
sa Senate at Congress tuluyang mawala!
Kung anong batas ang para sa Pangulo,
na ‘six years’ lang dapat maupo sa puesto,
ang siyang gawin para maging limitado
pati itong walang habas na pagtakbo;
Ng nakararami, kaya ang korapsyon
di masupil basta ng kahit na sinong
maupong Pangulo , kasi sila itong
‘So To Speak’ ang sa Batasan may kontrol?!