Home Opinion Kung ano ang puno, ang siyang bunga

Kung ano ang puno, ang siyang bunga

767
0
SHARE

ISA ANG barangay Sto. Nino nitong
nakaraang Miyerkoles dito sa San Simon
ang pinalad mabisita ng Capitol,
sa katauhan ng ating Vice Governor

(Dennis G. Pineda) at ilang opisyal
na kasama niyang sa binahang lugar
namigay ng ‘relief,’ kung saan kabilang
itong Sto. Nino sa mga nabigyan.

Sa nakasama ni Vice Gov sa pagpunta
dito sa San Simon, kabilang na sina
BM Calara at Ms. Angie Blanco pa,
maraming salamat sa lahat-lahat na.

Maliwanag lang na ang pamahalaang
panlalawigan ng ating Inangbayan
ay maasahan ng mga Kapampangan
sa lahat ng oras kung kinakailangan.

At lubhang mapalad din itong San Simon
sa pagkaroon ng tulad ni Mayor Wong
na maasahan at taga sa panahon
ang likas na sipag at taglay na dunong.

Na di nalalayo sa ‘Nanay’ ng lahat
ng taga Pampanga, na hayan bagama’t
sagana ang buhay sa ginto at pilak,
pero pinili ang pasaning mabigat.

Kung saan mabuti na ang ginagawa
ng nanunungkulan minsa’y upasala
nitong iba pa ang posibleng mapala,
sa munting bagay na hindi ikatuwa.

Sala sa init at sala sa lamig din
ang kadalasan na maaring sapitin,
ng isang lider na di nagawang tupdin
kaagad ang mga pangakong gagawin.

O kahit ginawa na nila ang lahat
ay may mga tao pa ring namimintas,
lalo na riyan itong sa sandaling oras
di makapaghintay sa kung anong lakad.

Tulad na lang nitong ngayon ay panahon
ng kalamidad at baha halos itong
buong lalawigan, pagod sa maghapon
si ‘Nanay’ at ‘Delta’, di lang sa Capitol

Kundi pati na sa magkahiwalay na
pag-ikot at walang hintong pagbisita
sa mga binahang bayan ng Pampanga
para mag-abot ng maitutulong nila.

At ang San Simon nga isa sa pinalad
nabigyan ng ‘relief’ ang mga barangays
nito na baha pa (itong San Nicolas
at ibang sa Rio de Grande kabakas.)

Aywan din kung hanggang diyan sa Masantol,
Apalit at Macabebe, pumaroon
o nakarating ang ating Vice Governor
pagkat mataas ang tubig baha roon.

Humigit-kumulang, napagtanto natin
na kung gaano katapat sa tungkulin,
si ‘Nanay,’ ang mga ‘Tagapagmana’ rin
ay maasahan sa panahong darating?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here