Kumpirmado na ng kaalyado

    431
    0
    SHARE

    (Karugtong ng sinundang isyu)

    At di
    para lamang sila manatiling
    nakapuesto kahit ano ay gagawin,
    tulad halimbawa nitong subject natin
    na handang sumabak comes year 2016

    Laban kay Angeles Mayor Ed Pamintuan
    o Congressman Yeng Guiao, sa sulsol ng ilang
    mga kaalyado ni Blueboy at Tarzan,
    yan sa ganang akin ay di kapurihan

    Kay Lapid dala ng para lamang yata
    sa ‘limelight’ ng pulitika’y di mawala
    ang pangalan niya dahil laos na nga
    siya bilang ‘actor,’ kanyang itataya

    Ang natitira pang kasikatan niya
    sa mata ng madla kung kaya pati na
    pagiging mayor o kaya kongresista
    ng Angeles at 1st District ng Pampanga

    Ay balak pasukin para pamunuhan,
    kung kaya’t sa aking mga nakaraang
    naisulat hinggil sa taong naturan
    siya’y nasabi kong ‘roaming politician’

    Dahilan na rin sa lahat na nga kasi
    ng kilalang lugar ay target parati
    ni Lapid para lang n’yan mapanatili
    sa daigdig ng pulitika ang sarili.

    Sa totoo lang kung ang sadyang naisin
    ay makatulong sa kababayan na rin,
    bakit di sariling bayan ang unahin
    gaya nitong Porac kung saan siya galing?

    Bago hangarin ang asensadong siyudad,
    tulad ng Makati na sadyang maunlad,
    kung saan tunay na ‘equipped’ yan sa lahat
    ng bagay na kayang bilhin ng mapilak

    Natural lamang na magiging mapili
    sa paghalal iyan ng walang pasubali
    ng ka-antas, at hindi pagbaka-sakali
    ang batayan sa maingat na pagpili

    Dala na rin nitong ang Makati city
    ay lugar kung saan ang ‘constituents’ pati
    ng nasabing lungsod mas nakararami
    ang de kalidad kaysa ‘bakya crowd’ kasi.

    Di ko sinasabing ang ating Senador
    ay walang binatbat bilang isang Solon
    kaya natalo siya sa ‘local election’
    nang sa Makati ay humabol siyang Mayor

    Kundi bagkus sa tunggalihang “one-on-one”
    ay natural lang na mas nakalalamang
    ang subok na sa pamahalaang lokal
    Kaysa tulad niyang galing sa nasyonal.

    Na lubhang kakaiba nga sa maramihan,
    na di lamang sampu ang pagpipilian;
    at kung saan itong inihalal ni Juan
    ay puede rin namang iboto ni Julian

    At mas malaki ang tsansa ng marami
    o nitong pareho lang ang habol pati,
    kaysa ‘single fight’ lang, sanhi na rin kasi
    nitong magka-iba sila ng botante.

    Kaya kung ang ating butihing Senador
    ay magpupumilit sa kanyang ambisyong
    palitan si EdPam bilang City Mayor
    ng Angeles, huag nang balaking ituloy

    Pagkat di pa man ay ating tinitiyak
    na ang pagkatalo ng butihing anak
    ng Porac laban sa Mayor na pang-‘World Class
    na si Ed Pamintuan ng naturang siyudad!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here