Kulelat sa rating ang bagong teleserye… Hindi sulit ang maraming hirap ni Marian Rivera

    368
    0
    SHARE
    Tanggap naman ni Marian Rivera na hindi number one sa rating ang Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang na siyang latest teamwork nila ni Dingdong Dantes.  Bale kasi laging nasa number three slot lang ito sa tuwing may rating at kahit sabihin pang technically ay  mataas na yun, sinasabi pa rin ng marami na failure nga ang third team up nila ni Dingdong.

    Pero para kay Marian, naiintindihan naman daw niya yun, ang importante naman daw, nakita ng publiko na meron pa siyang ibang ipakikita.

    Sa Ang Babaeng… kasi, nagkaroon ng tsansa si Marian na ipakitang kaya niyang magdrama. Na sa kabila ng katotohanang mahirap emotionally at physically ang naturang teleserye dahil maraming mga eksena ang iyak siya nang iyak ay okey lang sa kanya.

    “Okay lang naman po. Siguro… paano ko ba ie-explain? Siguro sabihin na lang natin na gusto ko yung ginagawa ko at saka motivation lang talaga. Halu-halong motivation lang yung iniisip ko. Dyusko, minsan iiyak ako, hindi na talaga ako makahinga sa kakaiyak, nahihirapan na ako nun.”

    Hindi ba siya nade-drain sa mahihirap na mga eksena?

    “Minsan din po. Kasi may mga times na katulad ng sa ospital na eksena namin na ito ipinapalabas na, dyusko, ilang sequence…56 sequences yata, tapos wala akong ginawa kundi umiyak! Lahat iyak, nung sinampal ako ni Ms. Carmi Martin, tapos may eksena with Dingdong, tapos hinatak ako ni ganito, ni ganyan.  Actually, yung kay Ms. Carmi, totoong sampal yun at saka yung mga tapik niya sa akin, lahat yun totoo,” lahad ng aktres.

    May mga times ba na napapaiyak na lang siya sa sakit dahil sa totohanang sampalan?

    “May mga times na ganun,” pag-amin niya. “Nag-sorry naman si Ms. Carmi. At saka umpisa pa lang sinabi na niya na, ‘Hoy, sasampalin kita talaga ha.’ Sabi ko, ‘Opo.’ Kasi sinabi din naman ni Direk Joyce, e. Kung hindi naman sinabi ni Direk tapos sinampal niya ako, ay, huwag naman ganun. Pag sinabi ni Direk na papasampal niya ako. Okay po, hindi naman ako nagrereklamo, basta kailangan sa eksena at basta alam ko lang po.”


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here