Home Opinion ‘Kudos to City Mayor Edwin D. Santiago’

‘Kudos to City Mayor Edwin D. Santiago’

997
0
SHARE

MATAPOS ang ilang taon nabawi rin
ni Mayor Santiago sa SM ang ating
dating Christmas Village d’yan na sinasabing
si Mark Lapid ang sa ‘Deed of Sale’ pumapel,

As Seller for being then the National Sec.
of Tourism, and the sole Buyer in good faith
Was SM Pampanga, not knowing the subject
Can’t be sold to anybody interested.

Since any landholding the owner had disposed
In favor of our government’s public use,
If it was acquired by donation, its purpose
For any other than the above, null and void.

Kaya nga sa puntong nasabi, anumang
naging pagkilos ni Lapid sa naturang
‘illegal sale’ nitong lupang donasyon lang
ng mga Lazatin…labag sa batas yan.

Hindi komo siya ang kwenta Kalihim
ng Turismo, kahit anong gustong gawin
ni Mark ay pupuede niyang samantalahin
para sa sarili niyang adhikain.

‘Yan ay kung siya nga ang kwenta kapural
sa hindi marapat niyang pakialaman
na pag-aari na ng pamahalaan,
partikular na ng mga Capampangan.

Nakapagtatakang ang di pag-aari
ni Lapid nagawang ibenta sa hari
ng yaman, na di siya kumita ni kaunti
o ng ilang sako kaya ng salapi?

Nasanay na kasi sa malaking kita
ang mag-amang naging gob dito sa Pampanga,
kaya kahit saang government post sila
maipuesto baka ‘yon pa rin ang suma?

Alalaon baga, sa puntong naturan
Gaya nitong nabawi na nang tuluyan
ang Paskuhan Village ng pamahalaang
lungsod, na sentro ng ngayo’y kalakalan
dito sa Pampanga, malaking tagumpay

at pagpapatunay na ang punong siyudad,
kasama ang SP, pati na rin si Vice
Jimmy T. Lazatin, aktibo sa lahat
ng mga bagay na dapat ipatupad.

Pagkat ano pa mang bagay gumagaan
kung nagkakaisa itong pumapasan
sa pamamahala at wala ni isang
pabigat, ng dahil sa inggit kung minsan.

Kudos to City Mayor Edwin Santiago
For all his well done job and, for that I wish you
All the best in your life comes along and be true
The dreams that you had dreamed of for San Fernando!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here