KSP lang marahil

    482
    0
    SHARE

    Kung dati kang hepe o chief executive
    sa isang private o kaya public office,
    na kung saan nagpamalas ka ng bait
    at wala rin naman yatang nakagalit

    Sa mga kawani ng iyong tanggapan
    nang ikaw ang mayor o bossing nila r’yan,
    (liban sa ibang tila ilag sa’yo minsan
    sanhi ng personal na kadahilanan)

    Kung kaya maaring kahit napansin ka
    nang minsang ikaw ay doon bumisita,
    at parang di ka na ‘welcome’ sa kanila,
    ya’y natural na lang sa ating kultura

    Kaya kung di ka man magawang batiin
    ngayong wala ka na sa dating tungkulin,
    makabubuting huwag nang bigyan ng pansin
    upang di uminit ang iyong damdamin.

    At di matulad sa isang former mayor
    na umano’y sinigawan yata itong
    kung sinong sinita niya nang oras na ‘yon
    nang animo ay di yata n’yan pagtugon

    Sa kung anong katanungan nitong isa,
    kaya sa hamunan yata nagresulta
    ang pagsasagutan n’yan ng mainit na
    salitang humantong sa hindi maganda.

    At kung saan base sa mga nakalap
    aa impormasyon ni ‘yours truly’ sa lahat
    ng nakapanayam nitong nakalipas
    na ilang araw ay si sir daw ang dapat

    Sisihin, sapagkat siya kwenta bale
    ang pasimuno ng gusot na nangyari
    kaya humantong sa di dapat mangyari
    ang kung anong bagay na napakasimple.

    At kung saan itong kwenta hinamon niya
    ay nagsampa yata sa ating piskalya
    ng demanda dahil sa ginawa niya
    ayon sa ‘source’ nating di iba sa kanya. 

    Kung kaya nga’t hayan ng dahil po lamang
    sa pulitika ay umabot sa isang isang
    pangit na situasyon ang dati’y magandang
    pagtitinginan ng magka-relasyong yan.

    At nang dahil lang sa sariling interes
    ng isa o nitong alin pa mang panig,
    kadalasan pati magkasanggang dikit
    napaghihiwalay minsan ng ‘politics’.

    Pero kung ang bawa isa’y nakahandang
    magparaan at/o payag mag-hintayan
    sa ‘terms of office’ nitong bawat isa r’yan,
    malayong mangyari ang ganitong bagay.

    Na ng dahil lamang sa tila dinedma
    ng ilang kawani ang ‘presence’ kumbaga
    nitong dating mayor – kaya nairita
    at nasigawan niya marahil ang isa.

    Na hindi rin naman daw yata empleado
    ng alin mang sangay nitong munisipyo
    kundi bayaw lamang ng Alkalde mismo
    na may opisyal na lakad din siguro.

    Anu’t-ano pa man ang kahahantungan
    nitong isyung humantong sa demandahan,
    huwag nawang pati na ang serbisyong bayan
    ay maapektuhan sa puntong naturan.

    At sana ay huwag din namang masamain
    ng dating Alkalde ang pagtukoy natin
    sa wala sa lugar niyang pag- ‘overacting’
    pagkat sa sarili niya’y kapintasan din.

    At kung may balak pa kayong makabalik
    sa dating posisyon ‘as chief executive;’
    Sana, sir – lalo ka pang magpakabait
    kaysa dati para muling maka-ulit!!!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here