Reakera numero uno itong si Sharon Cuneta. Aba, sukat ba namang inaway si Kris Aquino sa isang maanghang na tweet sa Twitter.
Kung hindi naagapan, muntik nang nagkaroon ng away sina Kris Aquino at Sharon Cuneta. At ito ay dahil nga sa pagiging mapag-react ni Megastar sa mga tweet sa kanya ng followers.
May nagparating kasi kay Shawie ng tweet ng isang “fake Krissy” na nagsasaad na hindi raw niya pina-follow si Megastar dahil ayaw niyang ma-stress pero pina-follow niya raw si KC Concepcion.
Akala ni Shawie ay si Kris talaga ang nag-tweet nito at sinagot naman niya ng, “Yaan na natin. ’Di ko rin naman siya fina-follow ever. Sasakit ang ulo ko.”
Maagap namang nag-tweet si Kris clearing up na hindi siya ’yun.
“It was the parody ‘krissy’ who commented about @sharon_cuneta12,” tweet ni Kris.
Du’n pa lang naliwanagan ni Sharon ang lahat at personal na silang nag-usap via text to clear things up.
Pagkatapos nito ay pareho na silang nag-tweet na okay na ang lahat. Nag-apologize si Sharon kay Kris on her Twitter account at si Kris naman ay nag-tweet ng “We had nice text exchange. She’ll always have my respect & admiration. And I now follow her.”
Nagpalitan na rin sila ng tweets at sa huling mensahe nila sa isa’t isa, padadalhan daw ni Shawie ng carrot cake si Kris at excited naman ang Queen of All Media.
Sa tingin ninyo, totoo kayang friends na ang dalawa. Will the carrot cake ek solve the problem? Hindi kaya isang tweet lang na hindi nila magustuhan,