Aminado si Oyo Sotto na masaya ang buhay niya ngayon at inspirado siyang magtrabaho. Si Kristine Hermosa nga raw ang inspirasyon niya ngayon at ito raw ang nagpapangiti sa kanya.
“Siyempre kasi mas okay kami ni Tin [palayaw ni Kristine] ngayon, although hindi pa talaga kami. I’m happy na kahit anong mangyari, nandiyan kami para sa isa’t isa. Sa ngayon kasi, wala lang talaga yung label na kami na. Pero I’m praying and hoping in the future na pareho naming maramdaman na mag-move to a higher level yung relationship namin. Kumbaga, maging kami. Hindi natin alam, di ba? Sana, sana kami na talaga,” pahayag ni Oyo.
May kinalaman ba sa pagiging open nila ngayon tungkol sa relationship nila ni Kristine ang pagkakaayos ng annulment case niya at ang dating karelasyon na si Diether Ocampo?
“Wala naman,” sagot ni Oyo. “Siguro ang masasabi ko lang mas relieved lang sa part ko na alam kong maayos na at wala kaming magiging problema ni Tin in the future. Kasi mahirap din, e, kahit sabihin mong null and void yung kasal nila, siyempre iba pa ring mag-isip yung mga tao. Paano na lang kung nagkaroon kami ng relasyon nung time na yun, baka sabihin mang-aagaw ako, di ba?”
Mas relieved ba siya ngayon na sinasabi nina Kristine at Diether na pareho na silang free ngayon, especially si Diet na open na ring ipakilala sa mga tao ang kanyang bagong girlfriend?
“Oo naman. Pero ang mas mahalaga kasi ay yung alam ko na okay silang dalawa at magkaibigan sila hanggang ngayon. Maganda kasi at least walang magkakaaway.”
Nagkaharap at nagkausap na ba sila ni Diet?
“Oo naman, pero hindi yung araw-araw. Minsan nagkikita kami sa ASAP. Nagkukumustahan lang, hindi yung talagang harap-harapan na seryosong usapan,” ani Oyo, sabay sabing never pa raw nilang napag-usapan ni Diet si Kristine.
Ano ang reaksyon niya na sa mga interview ni Dina ay sinasabi nitong bagama’t hindi pa nga raw kayo magkarelasyon ni Tin ay boto naman siya sa aktres?
“Happy kasi si Mama naman ever since, madaldal lang talaga si Mama. Meron lang siyang nasasabi na hindi niya sinasadya. Pero kapag nakikita naman niyang happy kami, kapag nakikita niyang mahal namin yung tao kung sinuman, walang problema kay Mama.
“Nakakatuwa nga minsan si Mama dahil siya pa yung naghahanap minsan kay Tin. Sasabihin niya, ‘Ow, where’s Tin? Bakit hindi mo kasama?’ Sasabihin ko, may work, e. Tapos kukulitin na niya ako na baka nag-away lang daw kami ni Tin,” kuwento ni Oyo.
Ano ang nagustuhan niya kay Kristine?
“Ayokong mag-compare, pero si Tin kasi yung sobrang totoong tao. Nami-misinterpret lang siya minsan ng tao. Pero totoo lang talaga siya. Si Kristine kasi, hindi naman siya yung mahirap mahalin. Madali lang siyang mahalin,” sabi ni Oyo.
So, si Kristine na ba ang babaeng pakakasalan niya?
“Sana, kasi kaya nga hanggang ngayon hindi pa ako pumapasok sa relasyon. Gusto ko kasi kapag pumasok na ako sa relasyon, dire-deretso na, e. Gusto ko, siya na yung magiging asawa ko. And kung magkakaasawa ako, ayokong matulad kami sa Daddy ko at saka kay Mama na hiwalay, e. Sinasabi ko yun kay Mama, gusto ko maayos yung pagsama namin. Kaya siguro hindi pa kami ni Tin, parang alam mo yun nagpapakiramdaman. Kasi siyempre kakagaling lang niya sa failed relationship, e, pagwawakas pa ni Oyo Boy.”