Krista Ranillo ‘nagpokpok’ sa Bangkok

    610
    0
    SHARE
    Apat na araw palang nag-shooting ng Marino sa Thaialand ang grupo ng ATD Films. Bida sa movie na ito si Allen Dizon at sina Ara Mina at Krista Ranillo ang mga leading ladies niya. Noong presscon ng movie, si Krista mismo ang nagsabing isang pokpok ang ginagampanan niya sa movie. Dahil isang seaman ang gagampanan ni Allen, magmi-meet daw ang mga characters nila sa Bangkok.  “Pokpok po ako sa movie at talagang magkakaroon kami ng mamalim na relasyon ni Allen sa movie,” pahayag pa ni Krista.

    Nakabalik na si Krista sa Pilipinas at sila ng line producer ng movie na si Dennis Evangelista ang nagkuwentong enjoy silang lahat na parang nagbakasyon lang ng apat na araw sa Thailand.  “Apat na araw kami pero tatlong araw kaming nag-shoot. Halos wala na kaming panahong natira pero sa kabila niyan, enjoy pa rin kami,” sabi pa ni Dennis.

    Hindi ito ang unang pagkakataong nagkatambal sina Krista at Allen. Sa Paupahan, produced din ng ATD, lead din sila’t dito, marami silang maiinit na eksena.

    “Ganyan din ditto sa Marino. Although, hindi naman bold movie ang Marino, kinailangan ang mga matitinding eksena sa amin ni Allen. Nagawa naman naming at talagang I could say na pokpok na pokpok ang dating ko sa movie,” natatawang sabi pa ni Krista.

    Dahil nasobrahan yung mga titillating sexy scenes noon ni Krista sa Paupahan, nairita at nag-react violently ang ama niyang si Mat Ranillo. Although nagkasundo naman sila in the end, ipinalalagay na yun ay signal na ni Mat sa anak na hindi siya puwedeng payagang gumawa ng ganoon katinding sexy scenes.

    “Hahaha, oo nga, masyado siyang old-fashioned, pero alam naman niyang kunwari lang naman yung pagpapa-sexy. Although, sa big screen, akala mo totoo, yung mga nangyayari pero daya lang ang lahat. Mahusay mag-handle ang mga directors ngayon kaya okey lang kay Daddy. I am sure, wala nang ganoong mga eksena ngayon. Sana wala na,” seryosong kuwento pa ni Krista.

    So there!


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here