Very daring na talaga si Krista Ranillo. From a very sweet Daddy’s girl, unti-unting nabago ang kanyang image.
Very daring siya sa Paupahan at naging cover pa siya sa isang girlie magazine at talaga namang naka-bare na si Krista dito.
At hindi ba, kamuntik na silang magsolian ng kandila ng kanyang amang si Mat Ranilio dahil sa sobrang pagpa-sexy nila.
“Oo nga, nangako akong hindi ko na uulitin,” sabi pa ni Krista.
Pero heto nagkaroon na naman ng kontrobersya si Krista . Ito ay ‘yung pakikipaghalikan niya sa isang tomboy sa publiko mismo. Heto po ang detalye ng kuwento.
Nagbigay ng reaksiyon si Krista Ranillo tungkol sa lips-to-lips nilang dalawa ng singer na si Mocha.
Nagsalita kasing una si Mocha, na pumayag si Krista kung hindi pa siya nakipaghalikan sa kapwa-babae. Agad naman daw sumagot si Krista na hindi pa siya nakatikim ng labi ng kapwa babae. Pagkatapos nito ay humingi ng permiso si Mocha kung pwede niyang mahalikan ang aktres kahit nasa harap sila ng maraming tao. Pumayag naman daw si Krista.
Inamin naman ni Krista na totoong nangyari ang naturang eksena. Kaya tinanong siya kung bakit siya pumayag na makipaghalikan kay Mocha, na umaming isa siyang bisexual.
“Kasi nga, akala ko, first, parang joke o game lang. And then, tinotoo pala. Na-shock talaga ako! Wala naman akong naramdaman doon, kasi in front of every one, parang nagdyu-joke lang kami.
“Kung gagawin namin sa isang kuwarto at kami lang ang nandoon, hindi, hindi… Parang siguro, it was the first and the last. Okey na yun, for fun lang at hindi ko hahanapin. So far, hindi pa naman!” natatawang sabi ni Krista.
Ano ang nararamdman niya sa una niyang halik sa kapwa-babae?
“Funny, kasi parang casual lang,” sagot niya. “Kasi akala ko, parang beso lang, parang ganyan. Akala ko kasi, hindi ganun. Pero hindi naman matagal, actually. Siyempre, maraming people, tapos nandoon pa yung staff. Nandoon kami talaga sa office ng ABS-CBN, so parang… Hindi ko ini-expect na real kiss or anything, akala ko, joke. Kaya sabi, okay. Pero sa akin naman, no big deal kasi parang it was for fun naman. So, hindi ko naman sineseryoso, e.”