Krista Ranillo ayaw makasama sa pelikula ni Gina Alajar

    454
    0
    SHARE
    Diretso at walang paliguy-ligoy ang sagot ni Gina Alajar nang tanungin siya sa kanyang Startalk interview last Saturday kung wllling siyang makatrabaho si Krista Ranillo.

    “No, kahit noon pa, hindi ko na siya gustong makatrabaho,” ani Gina.

    Inamin din niyang minsan ay naranasan daw niya ang sitwasyon ni Jinkee Pacquiao kaya naman nakisimpatiya siya rito at naging dahilan para maglabas ng saloobin sa Facebook.

    “Ilang beses akong nandu’n sa ganung sitwasyon, ’di ba? So, alam ko ’yung pakiramdam na ’yun. Alam na alam ko,” pahayag ng direktor-actress.

    When asked kung same person ba ang tinutukoy niya, si Krista Ranillo ba at diretso rin niyang sagot “Yes.”

    Anyway, nilinaw ni Gina na hindi siya galit sa mga hosts ng The Buzz na sina Boy Abunda, Kris Aquino at Ruffa Gutierrez sa nangyaring pagkakagamit ng kanyang shout-out sa Facebook.

    “I want to make it clear, hindi ko hinu-hold accountable si Boy, si Kris at si Ruffa. Wala akong galit sa kanila. Ang accountable talaga doon ay kung sino ’yung researcher nila at kung sino yung sumulat ng istorya, plus the executive producer, na supposed to be nalalaman niya kung ano ’yung ginagawa,” pahayag ni Direk Gina.

    May ipinakitang VTR interview ni Boy Abunda ang Startalk kung saan ay makikitang humihingi ng apology ang TV host kay Gina at ayon sa aktres/director, na-appreciate raw niya ito.

    “Naa-appreciate ko si Boy kasi nagpapatunay lamang na isa siyang magiting o isa siyang mabuting tao. But I think wala siyang kasalanan. Yes, host siya ng show, but it is not his responsibility,” she said.

     Samantala, sa taped interview kay Kuya Boy ay nabanggit niyang sa pagkakaaalam daw niya ay walang balak humingi ng public apology ang The Buzz kay Gina dahil ayon sa management, wala namang nalabag na karapatang pantao sa aktres/director.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here