Marahil daw ay dahil na rin sa sobrang sweet ni Aljur at maasikasong ka-loveteam kaya ganu’n ang napi-feel niya kapag may babaing pilit na idinidikit sa pangalan ng leading man. Bukod sa mabait, napaka-gentleman pa raw ni Aljur.
Sa ngayon daw ay ang young actor ang masasabi ni Kris na very close na lalaki sa kanyang buhay, pangalawa sa kanyang Daddy. Masa
yang-masaya raw siya kapag kasama niya ang binata, at super-enjoy siyang katrabaho ito sa pinagtatambalan nilang soap sa GMA7 na Dapat Ka Bang Mahalin.
Kaya naman ito ang dahilan kung bakit sobrang taas ng ratings ng said soap na umaabot ng 32 percent na nakukuha lang ng isang primetime soap.