Kahit drama ay very light ang treatment ni Director Ricky Davao at may comedy pa, kaya aliw silang panoorin. Idagdag pang ma-gagaling ang buong cast at swak sa kanilang karakter.
Pinupuri ng viewers si Kris Bernal na nakikipag-sabayan kina Nora Aunor at Bembol Rocco na gumaganap na grandparents niya sa teleserye. Napatunayan ni Kris dito na mahusay siyang aktres at kita ito dahil kering-keri niya ang role ni Tinay na may intellectual disability o ID, magbubuntis at manganganak pa.
Marami rin ang nagkakagusto sa love team nina Kris at Hiro Peralta at may nagtanong sa amin kung posibleng maging for real ang tambalan nila ngayong pinatigil yata ni Kris si Lucho Ayala na manligaw sa kanya.