Matagal na pinag-usapan yung di umano’y balak na pagre-resign ni Coco Martin sa soap operang pinagsasamahan nila ni Kris Aquino. Lumalabas na talagang na-hurt nang todo si Coco dahil nga feeling niya, pinagtulungan siya nina Kim Chui at Kris upang alipusstahin ang kanyang taste sa pananamit. Kumbaga, nataunang nasa sensitive mood si Coco kaya talagang nasaktan siya sa mga parunggit ng dalawang babae sa kanya sa isang taping session ng kanilang soap opera.
Nilinaw ni Kris Aquino ’yung naging issue nila ni Kim Chiu kay Coco Martin at say niya, nagkaroon naman talaga ng kaunting minsunderstanding pero matagal na raw ’yun at naayos na bago pa man mag-Pasko kaya nagtataka siya why ngayon lang naglabasan.
Sa small things lang naman daw nagsimula ang lahat, sa simpleng ku-wentuhan nila ni Kim.
“Siyempre ’di ba, ang mga girls, kwentu-kuwentuhan, so, akala niya, siya ’yung pinag-uusapan namin. ’Yon. Na-misinterpret niya kami ni Kim. Kasi, ganito, kami ni Kimmy, talky-talky kami like ‘oh, ang cute your shoes tsutsutsutsu.’
“Tapos si Kim naman, ‘ate, I bought this in tsutsutsutsu’, ‘yun ‘yung conversation. Tapos, para ma-join, nagtanong ako (kay Coco), ‘what are your shoes?’ Tapos, parang na-offend siya kasi ex-deal yung shoes. ”Eh hindi naman namin minamata yung ex-deal, ’di ba? Pero ‘yun nga, ang ano namin ni Kim, sabi ko, Kimmy next time siguro, ang conversation natin about clothes, tayo na lang kasi ang mga boys, hindi maka-gets nito. Kasi kami ni Kim, magkasundo talaga kami sa kaartehan sa clothes, ang dami naming parehong clothes.”
Pero naayos na raw ’yun at nagkapaliwanagan na.
“Nag-sorry ako sa kanya, kasi kinausap kami at sinabi nga na hindi siya sanay sa ganu’n, na-feel niya na parang ano… so, sabi ko, Coco, sorry ha? Tapos, nagregalo ako sa lola niya, ’yun ang pambawi ko. Kasi mahilig mag-cook si lola so nagpadala ako ng complete na cookware collection ko, ’yung K Everyday. And then, pinadalhan naman ako ni lola ng adobo.”
Ang kaso, nu’ng nagpadala ng adobo si lola ay ’yung time na nagkakagulo sila ni James. So, akala siyempre ng asawa niya ay galing ’yon kay Coco .
“Sinabi ni James, ‘ano yan?’ Tapos, sinabi pa ni James, ‘O, bakit si Kim, ’di niya pinadahan, bakit ikaw pinadalhan ng food?’ So, lumaki nang lumaki kasi nasabihan ni Biboy (Arboleda, manager ni Coco) si Coco na huwag mo na munang kaibiganin at pansin-pansinin dahil ’yung asawa, iniisip bakit ka nagpadala ng food nung nagkaproblema sila. Na hindi naman alam na galing naman talaga sa lola.
“So, may mga nakapansin na si Coco, hindi na kinakausap si Kim at ako, so, hindi alam na ’yun ang mga nangyari before. Tapos, si Gerald ( Anderson ), na-offend din na bakit nagkaroon ng gap na ganu’n, e, siya ’yung ka-loveteam. So, now you get it, so ’yung pobreng Coco, lumayo na lang sa aming lahat kesa ma-accuse pa siya’t madyombag dyombag pa siya (ng Kimerald),” natatawang kuwento ni Kris.
Tungkol naman daw sa isyung hindi na-acknowledge si Coco sa stage nang pumunta ito sa kampanya ni Sen. Noynoy sa Tarlac last Feb. 9, kaya naman daw nagkaganu’n ay dahil in character na pumunta doon ang young actor.
“Ikaklaro ko lang talaga na kaya siya hindi in-acknowledge kasi he’s in character. Mayroon siyang Indi film, documentary na ginagawa na camera man siya na nagsu-shoot kay Noy throughout the campaign at ang name din niya (sa movie) is Noy. He’s Noy dela Cruz. Kaya hindi siya talaga dapat papansinin kasi he’s in character. Naglabasan na para siyan dinededma eh hindi naman ganun. Kailangan siyang idedma talaga and pati si Noy, alam, na nagsu-shoot siya.”
Nung nakaraan taping day ay humingi rin daw ng pasensiya si Coco at sinabi naman niyang kalimutan na nila ang lahat dahil wala naman daw talaga silang problema.
So there!