Kris Aquino sobrang bayolente

    385
    0
    SHARE
    Matindi siguro talaga ang pagkapikon ni Kris Aquino kaya niya ininsulto si Manny Pacquiao at sinabing bago raw magsalitang walang nagagawa ang kanyang kapatid, dapat isipin nito na hindi pa natatalo sa saan mang eleksyon ang kapatid niya samantalang si Pacman, talo agad sa unang sabak sa pulitika.

    Aba, siguro ay dapat namang asahan ito dahil politician ang kanyang kapatid at si Pacman ay hindi.

    Pero kung dadaanin naman siguro sa boxing, na linya ni Pacquiao, tiyak na babagsak ang kapatid ni Kris sa isang suntok lang ni Pacman. Iyon ay dahil hindi naman ito boxer.

    Palagay namin, malaking kalokohan na pagkumparahin ang accomplishments ng dalawang tao sa hindi naman niya ka-level.

    Hindi mo masasabing wala pang accomplishments si Pacquiao. Ang magkaroon ka ng pitong world boxing titles sa iba’t ibang division nang sabay-sabay ay accomplishment na hindi pa nagagawa ng kahit na sinong boksingero in the past, kahit na ng tinatawag nga nilang The Greatest na si Muhammad Ali.

    Kaya maling sabihin ni Tetay na walang accomplishment si Pacman.

    Mayroon siyang nagawa doon sa kanyang level.

    Ewan kung ano ang sasabihin ni Kris sa mga bagay na ito, lalo’t na-quote pa rin siya dahil sa nasabi niya sa isang news program na gusto niyang “saksakin” ang mga naninira sa kanyang kapatid.

    Masyadong violent reaction ‘yun kahit na nga sabihin pang “figure of speech” lang ng nag-aambisyong maging kapatid ng Presidente ng Pilipinas.

    Ayon sa mga psychologist, ang lumalabas sa bibig ng isang tao ay ‘yun talaga ang kanyang nararamdaman kahit pa nakangiti siya nang ito ay kanyang sabihin. 

    Ngiting-aso kumbaga.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here