“I was away shooting for 5 nights. This was Bimb’s reaction when he saw me being made up because I’m still shooting tonight & I told him it’s going to be an all nighter. All other working moms I’m sure can identify w/ how heartbreaking it is to be missed by our kids,” ang caption ni Kris.
Ang daming naka-relate na nanay sa post ni Kris, lalo na nga ang working moms.
Nitong mga nakaraang araw kasi ay puspusan ang shooting ni Kris ng All You Need is Pag-ibig na official entry ng Star Cinema sa 41st Metro Manila Film Festival ngayong Dec. 25 kung saan ay kasama niya sina Derek Ramsay, Pokwang, Kim Chiu, Xian Lim, Jodi Sta. Maria and Ian Veneracion mula sa direksyon ni Antoinette Jadaone.
Kagagaling lang nga nila sa Palawan kung saan ay 5 days silang nag-shoot at say niya, ito ang pinakamatagal na nawalay siya sa kanyang dalawang anak.
Samantala, iba’t ibang mukha ng pag-ibig ang kuwento ng All You Need is Pag-ibig mula sa puppy love hanggang sa unrequited love, mula sa pagmamahal sa pamilya hanggang sa pag-ibig na inaasam-asam at mula sa pagi-ibig na naglaho hanggang sa pag-ibig na manhid at kasama na rin ang mga kumplikasyon at pagwawagi nito sa pamamagitan ng magkakabit na istorya ng mga tauhan nito.