Kris Aquino preno muna sa panlalalaki

    403
    0
    SHARE
    No puwede sir muna sa mga lalaki si Kris Aquino sa ngayon. Una na nga yung kung si Bimby ang tatanungin, di raw talaga ito payag. “So you like Mama to have a boyfriend now?” Lumalagutok na NO raw ang sagot ni Bimby. Meaning, ayaw ng bata at yun ay gustong respetohin ni Kris.

    Marami siyang paliwanag dito but it boils down to one thing kaya nagprepreno pa siya. Hindi pa annulled ang kasal niya kay James Yap at hinihintay muna niya ito and then, kapistahan na naman sa puso ni Kris Aquino.

    Wag na yung ayaw ni Bimby nor ayaw ng mga kapatid niya. Ang pinakatotoo, hindi pa talaga binabasbasan ng kapalaran kahit na ready na talaga si Kris to fall in love. When the time comes na puwede na siya, hitsura, walang nakapipigil sa kanya.

    Mayabang na direktor-direktoran sexual harasser ng maraming guwapo sa kanilang bayan.

    Yun na, nabuking din ang tunayna trip ng minsan nang nagdirek ng indie film sa mainstream pero semplang dahil walang wawa yung movie na ginawa niya.

    Ang totoong kuwento pa, back sa kanilang bayan na isang siyudad sa Luzon, maraming kaaway ang kunwari ay lalaking direktor. Di raw siya bakla pero lahat ng guwapo ay nakulekta na niya at nai-pictorial na sa mga gubatin ng probinsiya. You should see his erotic shots para malaman mong hina-harrass lang ni direk ang mga lalaking guwapong iniisa-isa niya.

    Sa isang go see ng bikini open, nagaktipon-tipon ang mga bading na naisahan na ni direk. Yun bang mga bading na naagawan ng BF at talent dahil naahas at na-harass na lahat ng mayabang na direktor. Dami pala niya kaaway pero ang akala mo siya na ang magsasalba sa buong movie industry kung magsalita siya.

    Heto ka, isang bading na broadcaster dun ang nakabuking pa na estapador at manloloko ang bakla. Dami pala niyang nautang na hindi na siya binayaran. Pinaghahanap din daw ang bakla ng mga bandang hindi niya binayaran sa isang street dance festival sa kapistahan ng kanilang lungsod.  “May budget na ibinigay sa kanya, pero ty lang ang lahat ng banding nag-perform?


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here