May issue na namang sasagutin si Kris Aquino sa pagbabalik niya sa bansa at ito ang mga pahayag ni retired Archbishop Oscar Cruz sa CBCP News na diumano’y planong tumakbo ng TV host-actress bilang vice president sa 2016 elections.
Ayon sa bishop, three months ago pa niya narinig ang balitang ito.
“Formerly it was only in whispers, now it has become more commonly said and heard that the youngest sister of the President of the Republic will also run as Vice President of the Republic come 2016,” sabi ni Cruz sa artikulong lumabas sa CBCP News.
Ayon pa raw sa kanyang reliable source na connected kay Pres. Noynoy Aquino, ginu-groom daw si Kris ng powerful group from Liberal Party na tumakbo ngang Bise Presidente sa 2016.
Tinatawagan ng pansin ni retired Archbishop Cruz ang kampo ni Kris na klaruhin ang isyung ito partikular na nga ang balitang magiging running mate siya ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.
“Those concerned better address this matter. If it’s not true, then they should say it so that it will stop once and for all but if there is silence, that means there is consent,” say pa ng dating presidente ng CBCP (Catholic Bishops’ Conference of the Philippines).
Gayunpaman, wala naman daw siyang tutol kung sakali at aniya, may chance raw talaga na matalo ni Kris ang mga kalaban.
Bago pa man lumabas ang artikulo, may mga nag-aanalisa nang maaari ngang ang pagre-resign ni Kris sa showbiz ay preparasyon para sa kanyang pagpasok sa pulitika, lalo pa nga’t laging inuulit-ulit ng TV host-actress na kailangang maging simpleng tao muna siya bago isipin ang pag-entra sa politics.
Nakadagdag pa sa ispekulasyon ang pahayag ni Kris sa huling interview niya bago umalis for Paris na gusto niyang mag-aral ng Law.
Meantime, hintayin na lang natin ang pagbabalik ni Kris bukas, April 5, para malaman kung ano talaga ang totoo.