Kris Aquino nakatadhanang di iibigin ng mga lalaki?

    397
    0
    SHARE

    Marami na ang naiinip na magka-love life si Kris Aquino lalo pa nga’t magi-isang taon na rin siyang annulled sa ex-husband na si James Yap. Maging ang mga kaibigan niya ay wini-wish na sana ay matagpuan na niya ang lalaking magmamahal sa kanya forever.

    Pati nga ang mga reporters na katsikahan niya sa kanyang solo presscon for Kailangan Ko’y Ikaw last Thursday ay panay din ang tanong kung wala na ba siya talagang planong mag-asawang muli.

    “Who would not want to be in a stable, loving, committed partnership, ’di ba? Pero kung wala na sa tadhana ko, okay lang.”

    Bukod dito, ani Kris, hindi rin maiwasang magkaroon ng pagdududa sa sinumang guy na magkakaroon ng lakas ng loob na lumigaw sa kanya.

    “I hope that people don’t take this the wrong way, pero sinabi ng sister kong si Pinky before na they understand how difficult it is to even entertain anybody kasi, I’ll forever doubt kung bakit.

    “And siguro, I’ve been through enough in my life to realize there’s a price to pay and at this point, I don’t wanna pay the price anymore,” pahayag ng Queen of All Media.

    So, hindi na ba siya naniniwala sa true love?

    “I do, pero siguro, it’s not meant for me. Oo, honestly. Hindi kasi, parang sobra kasi ang naibigay sa akin sa ibang departamento ng buhay na kung ’yan ang hindi ibibigay, balanse na lahat. I believe in balance in everything.”

    Nasingit sa usapan ang tungkol sa hulang mabubuntis siya ni Coco Martin at say ni Kris, nakakaloka nga raw ’yung manghuhulang nag-predict nito dahil ayaw pa rin daw tumigil.

    “Parang feeling ko, itutuloy niya ang hulang ’yan hanggang mag-menopause ako, ayaw niyang paawat talaga.

    Kasi last year, sinabi ko sa kanya, ‘o sige, kapag nagkatotoo ’yan, I’ll give you my Land Rover.’ Tapos sabi ko, ’pag hindi nagkatotoo, babalik ka dito at magso-sorry ka.

    “Tapos ngayon, biglang in-extend niya to 2014,” say pa ni Kris

    Nang mapag-usapan naman ang itinutukso sa kanya nina Vice Ganda at Ai-Ai delas Alas na si Daniel Matsunaga, tigas na tanggi ni Kris.

    “You know he’s a nice person but I don’t know him well enough. And he’s so young, honestly.

    “Sa lahat naman ng pinagdaanan ng life ko, tama na,” she said.

    Kahit konti, wala talaga? Not even in her wildest dreams?

    “Sorry ha, wala talaga,” sagot naman ni Tetay.

    “Okay na ako talaga. And siguro, I was born to be a mother, but not a wife,” pagtatapos ni Tetay.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here