Kris Aquino nagpakumbaba sa panlalait ng nanay ni James Yap

    327
    0
    SHARE
    Lahat na lang ay umaasang bayolente ang magiging ganti ni Kris sa mga sinabi ng kanyang biyenan sa isang interview.  Pinalabas kasi ng nanay ni James Yap na masamang tao si Kris and knowing Kris na di naman nagpapatalo kahit kailan. Natural lang na sasagutin niya nang pabalang ang biyenan.

    Sa naturang panayam, sinabi ni Mrs. Yap na tutol siya kay Kris noon para maging asawa ni James pero wala naman siyang magawa dahil mahal ito ng anak.

    Marami pang sinabi ang ina ni James sa kanyang panayam kaya naman ang lahat ay nakatutok kung ano ang reaksyon ni Kris tungkol dito.

    Last sa isang interview si Kris at inamin niyang nasaktan siya sa mga sinabi ng kanyang mother in law.

    “Pinanood ng mga sister ko (ang interview sa nanay ni James). Nu’ng pinag-usapan nila, siyempre, pinanood ko na rin, Siyempre masakit.

    “Sana hindi ma-misinterpret ng mga tao, lahat ng kapamilya ko, lahat ng kapatid ko, walang masama ever na sinabi tungkol kay James.

    “Siyempre, tao lang naman ako. Kung maririnig mo man na never kang nagustuhan, o ’di siyempre, masakit naman ’yon,” mahinahong sabi ni Kris.

    Ganunpaman, inintindi na lang daw niya ang biyenan.

    “Iniisip ko na lang, dahil sinabi ni Ate sa akin, ‘Krissy, kung si Bimby, kung nakipaghiwalay, siyempre ’yan din ang magiging reaksyon mo.

    “Gagawin mo ang lahat to protect your son. Walang right, walang wrong. Ang tama lang, ang anak mo, ’yung mahal mo…’ At para na lang sa anak namin, tatahimik ako,” pahayag pa ni Kris.

    Bilang pangwakas, nagbigay na lang ng mensahe si Tetay para sa nanay ni James.

    “Mapapanood po ’yon ng apo ninyo at some point in time kasi nasa Internet na. Nanay po niya ako. Kahit anong gawin n’yo, lumabas siya sa sinapupunan ko.

    “Ako po ang magpapalaki, ako po ang magsusumikap para maitaguyod si Baby James. Masakit po para sa akin na ’yung apo po ninyo, sisiraan ang nanay niya sa kanya. Kasi magkahiwalay po man kami (ni James), kadugo ninyo pa rin ang anak ko.

    “Magsakripsyo na ako, manahimik na ako, magpakumbaba na ako, handa kong gawin ’yon dahil ganu’n ko kamahal ang anak ko. Sana po kahit konting pagmamahal, bigyan n’yo ang anak ko.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here