Marami ang natuwa na si Kris ang nakasama ni President Nieto sa dalawang okasyon, may mga nagselos at na-bash pa siya. In fairness, hindi si Kris ang nag-volunteer na humarap kay Pres. Nieto at hindi rin si PNoy ang may gusto.
Ni-request daw si Kris ni Pres. Nieto at para siguro matigil ang bashers, pinost ni Kris sa Instagram (IG) ang part ng tinawag niyang briefing kung saan, nakalagay na siya ang gusto ng Mexican president sa state visit nito.
Sabi ni Kris, “Sorry I need to blur the other parts, but this was the part of the briefing sent to me 2 months ago. Pleasantly surprised & extremely flattered to have been requested.”
Nakasulat sa briefing ang “Per Mexico, they prefer Ms. Kris Aquino to be the presidential sister present during the state visit.
Naikuwento ni Kris na nagkita na sila ni Pres. Nieto nang mag-refuel ang airplane na sinakyan nito dito sa ating bansa last year.
Siya ang nag-entertain dito sa Villamor Air Base for two hours. Nag-enjoy siguro sa pakikipag-usap sa kanya si Pres. Nieto kaya siya ang ni-request na makasama sa Luneta at sa state dinner.
Samantala, inimbita ang ang-inang Lily at Roselle Monteverde ng Malacañang upang maging guests sa dinner na dinaluhan ng ilang APEC world leaders last Tuesday.
The last time na nasa Palasyo ang mag-ina ay nu’ng dumating si Pope Francis last January.
Tinanong namin si Mother kung na-meet niya nang personal si US President Barrack Obama.
“Hindi si Obama. Si Nieto (presidente ng Mexico) ang na-meet ko,” say ni Mother.
Sa totoo lang, si Nieto ang isa sa world leaders na pumukaw ng pansin ng mga kababaihan at bading.
Mukha ng mga bida sa telenovela kasi ang kaguwapuhan niya. Kaya naman si Mother, humanga rin sa pangulo ng Mexico.