Kris Aquino matinong nanay pero walang kuwentang asawa?

    485
    0
    SHARE

    Bilib daw si Joyce Bernal sa pagiging hands on mom ni Kris Aquino.

    “Sabi niya, ‘ang tiyaga mo. Ako, napapagod na mag-converse sa anak ko.’ Kasi nga, never-ending ang tanong nu’ng mga anak ko. Sabi niya, ‘Ikaw, walang kapaguran at lahat sinasagot mo. Tapos umaarte ka pa.’

    “Sabi niya, ‘Kitang-kita na mabait kang nanay talaga. Siguro ’yung sa asawa, nag-suffer, ‘no?’ Sabi ko kay Direk Joyce, ‘Siguro nga,’” kuwento ni Kris sa usapan nila ni Direk Joyce.

    Aminado si Kris na siguro nga, she knows how to be a mom pero hindi siya marunong maging asawa. Kaya raw siguro hindi nag-succeed ang marriage nila ng asawang si James Yap.

    “Sinabi ko, ‘I saw my mom, eh. I saw what a mom was. But I had so few years to see what a wife was,” sabi ni Kris.

    Public knowledge ang history ng Aquino family na maagang kinuha sa kanila ang tatay ni Kris na si former Sen.
    Ninoy Aquino at kahit noong nabubuhay ay sandal lang din nila nakasama dahil nakulong ito ng mahabang panahon. And that time ay bata pa si Tetay.

    “So, siguro yun, e. That’s why yung formation sa akin is that, eto, I know how to be a mom, but I guess I don’t know how to be a partner. Pero siguro, okey na rin yun, kasi my sons naman adore me,” say pa ng aktres/TV host.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here