Kris Aquino labis na magagalak kung makukulong daw si Senator Bong Revilla

    428
    0
    SHARE

    NAKAKALUNGKOT panoorin si Kris Aquino na humahalakhak habang pinaguusapan nila ng kaibigang Boy Abunda ang katatapos na privilege speach ni Sen. Bong Revilla sa Senado at ang napipintong pag-aresto at pagkulong sa kanya kasama sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Juan Ponce Enrile sa isang kasong hindi pa naman napapatunayan.

    Napanood niya hindi lamang si Sen. Bong, kungdi ang pagluha ni Cong. Lani Mercado Revilla, at mga kapatid niyang sina Marlon, Rowena, Andrea, at Dianne, ganun din ang mga anak nitong sina Bryan, Inah, Loudette at Ram.

    Hindi naiiba kay Kris ang senaryong ito nang ikulong din ang kanilang dakilang ama na si Ninoy Aquino, maraming taon na ang nakaraan. Lumuha din sila at nawindang ang puso sa labis na kalungkutan.

    Parang hinatulan na agad ni Kris sa kanyang halakhak ang magiging kapalaran ni Sen. Bong. Hindi rin daw niya love si Sen. Bong (tulad ng pagmamahal niya kay Sen. Jinggoy) dahil nilalabanan nito ang kanyang kuyang Presidente.

    Hindi rin naiiba si Kris kay Pang. Noynoy dahil minsan ay naging panauhin din siya sa Cavite at sa mismong bayan ng mga Revilla ay sinabi niyang “huwag maniwala sa mga “agimat!” Sino pa ba ang tinutukoy niya kundi ang dakilang “Agimat King” na si Ramon Revilla, Sr. at si Sen. Bong na minahal ng taong bayan. Noon pa man ay nahulaan na, na may mga pangyayaring magaganap na katulad ng nangyayari ngayon.

    Hindi dapat ikatwiran na hindi puwedeng ikumpara si Sen. Bong (kahit naman si Pang. Noynoy) kay Ninoy Aquino, dahil ang pinag-uusapan ay dangal ng pamilya at pagmamahal sa kapwa.

    Nakakagaan ng kalooban ang tinuran ng Integrated Bar of the Philippines na “selective justice” ang nagaganap ngayon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here