Kris Aquino finding out a new lover?

    227
    0
    SHARE

    May bagong rebelasyon sa The Buzz. Aniya ay pumayag na raw ang bunsong anak na si Bimby na makipag-date siya.

    “I said kasi ‘Bimb can I go out on a date?’ He said, ‘Okay but no holding hands ha?’ Sabi ko hindi naman ako makiki-holding hands so pumayag na siya pero sabi niya ‘Just one ha!’ So parang handa na siya. Mayroon na siyang level of maturity,” say ni Kris.

    Aminado rin naman ang Queen of All Media na in the future ay gusto rin naman niyang makahanap ng lalaking makakasama for the rest of her life.

    “Gusto ko naman to have a companion. Pero alam ko rin na at this point with a schedule like this, alam ko na a relationship means devotion. At this point, hindi ko pa kaya ibigay ang devotion na ’yun kasi Bimb is only 5, I have so much to do. But if he’ll understand, why not?” say ni Kris.

    When asked kung ano ba ang hinahanap niya sa isang lalaki, she said, “more than anything, I want peace.

    I want someone na hindi iko-complicate ang buhay ko, masusuportahan ang mga gusto ko, susuportahan ko rin siya and above anything else, we can have long, exciting and intellectual conversations.”

    Kris is celebrating her birthday on Feb. 14 at plano niyang pumunta silang mag-iina kasama ang mga kaibigan at kapatid na si Pinky sa isang island.

    "Aalis kami. We’re going to an island that I’ve never been to. Ipapasilip ko sa inyo sa ‘Just Us’ portion ng ‘Kris TV.’ I’ll be with my sons, some friends, Zsa Zsa (Padilla), my sister Pinky, her husband. Grupo kami.

    Excited lang ako kasi parang bagong bago yung place,” say pa niya.
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here