Kris Aquino di pa rin maka-move on sa pang-iiwan ni Mayor Bistek

    405
    0
    SHARE

    SA KRIS TV ay hindi na naman nakapagpigil si Kris Aquino na hindi pag-usapan si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

    Ito ay sa kabila ng promise ni Kris kay Bistek na hindi na siya pag-uusapan sa shows nito. Bagama’t hindi naman niya mine-mention ang name ni Herbert, obvious at walang dudang siya ang tinutukoy at pinatatamaan nito.

    Mga singer ang guests ni Kris kahapon tulad nina Nyoy Volante, Sabrina, Thor Dulay and Radha Cuadrado. At lahat ng songs na kinanta ng mga ito ay may kinalaman sa paghihiwalay na ayon sa Queen of All Media ay siyang nilalaman ng puso niya ngayon.

    “In the interest of clarity, nag-text ako at sinabi ko, ‘This is your playlist. Pasensiya ka na pagbigyan mo na last na ito. We will never gonna talk about you again for the rest of our lives,’” kuwento ni Kris. Ang reply daw sa kanya ay “okay, may flag ceremony.”

    Carmina Villarroel, her guest co-host, asked kung lahat ba ng songs na kakantahin ng mga guest ay para sa kanya, Kris said “yes.” “Hindi man ako makapagsalita, ito lahat ang nilalaman ng puso ko at alam mo naman ito,” say pa ni Kris sabay dedicate ng next song na Separate Lives performed by Radha and Thor.

    “So, ’yung next song, ito talaga ’yun,” say pa ni Kris. Ang ilan pa sa songs na na-perform ay ang With or Without You, I Don’t Want To Be Your Friend and ni-request din niya ’yung The Man Who Can’t Be Moved and Somewhere Down the Road.

    “Lahat naman ng tao may karapatan na magkaroon ng pag-asa. I’m not saying in this particular instance pero… all of you must have gone through somebody you loved na if given a chance… Nabasa ko ito kagabi, ‘If you could have a second chance to meet somebody all over again, who would it be?’” say pa ng Queen of All Media.

    Tinanong ni Carmina kung sino at say ni Kris, ayaw niya raw sagutin. “Lalaki ang ulo,” say pa niya. Well, we just wish na maka-move-on na si Kris kay Herbert. Alam naman naming kaya niya and it’s just a matter of time dahil fresh pa naman talaga sa ngayon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here