Last Sunday naman ay nag-taping si Kis Aquino for Kris TV na inere nu’ng Monday at live airing ulit ng Pilipinas Got Talent.
Last Monday naman ay nag-resume na siya ng taping ng Kailangan Ko’y Ikaw at kahapon naman, taping ulit for Kris TV. Today, may taping siya ulit ng KKI.
Actually, this week ay punumpuno ng schedule si Kris para sa kanyang tatlong TV shows kaya naman for now, malinaw na malinaw na hindi pa maisasakatuparan ng Queen of All Media ang kanyang pagbibitiw sa trabaho.
Nauna nang nagpahayag ang ABS-CBN na hindi naman talaga basta-basta puwedeng makapag-resign si Kris dahil nga may mga commitments itong dapat tuparin at baka mademanda pa ang network pag bigla itong nagbitiw.
Halatang nakabuti kay Kris ang dalawang linggo niyang bakasyon dahil maganda at masaya na ang kanyang aura unlike when she left na parang pasan niya ang daigdig dulot nga ng problema nila ni James Yap.
Still on Kris, sa Kris TV aired last Monday ay ibinalita niya na may na-meet daw siyang guy sa France.
“Alam mo may na meet ako sa France,” kuwento niya sa co-host na si Melissa Cantiveros.
“Pero ’yun nga kaedad na siya ng papa mo, a little more. Sobrang successful na negosyante at darating siya dito sa Pilipinas sa June dahil gusto niyang bumili ng island. Hindi ba sosyal?” say pa niya.
At take note, pasado raw sa bunso niyang anak na si Baby James ang lalaki.
“Pumasa kay Bimby, kaya tingnan na lang natin. Let’s pray. Let’s pray dahil gusto niyang mag-build ng mga buildings sa Philippines. So ipagdarasal ko ’yan dahil mas maraming trabaho para sa maraming Pilipino. Pray with me, okay?” sabi pa ng Queen of All Media.