Wala pa ring kupas si Cristina Gonzales-Romualdez (formerly Kring-Kring Gonzales).
Kahit isa na siyang maybahay ni Tacloban Mayor Alfred Romualdez and mother of four children, na-maintain niya pa rin ang kagandahan at kaseksihan niya na pinagnasaan din ng male fans noong dekada 90.
Nakatsikahan namin si Cristina kasama ang kanyang baby-faced husband na si Tacloban Mayor na si Alfred Rodriguez.
Si Cristina or si Kring-Kring ay anak ng dating Sampaguita actor na si Jose Mari Gonzales.
Dati siyang contract star ng Seiko Films sa panahong usung-uso ang ST Films at bagama’t nagpa-sexy siya noong kapanahunan niya along with Gretchen Barretto, sila ’yung matatawag na disenteng sexy stars dahil pa-two-piece-two-piece lang sila that time at hindi naman ’yung talagang nagpakita ng buo nilang katawan.
Those were the days na one after the other ang paggawa ni Kring-Kring ng pelikula at halos lahat ng sikat na leading men noon ay nakapareha na niya tulad nina Jestoni Alarcon, Bong Revilla, Richard Gomez, Robin Padilla, Lito Lapid to name a few.
Nang mapangasawa niya ang pamangkin ni former First Lady Imelda Romualdez-Marcos, nag-lie-low na siya sa showbiz at nag-concentrate na lang sa pagiging maybahay at nanirahan na rin sa Tacloban kung saan nakatira ang kanyang napangasawa.
Since angkan nga ng politiko ang kanyang asawa ay hindi na rin naiwasan ni Cristina ang tawag ng pulitika at sa ngayon ay kapapanalo lang ulit bilang konsehal ng Tacloban para sa kanyang ikatlong termino.
Kahit wala na sa showbiz, nakakatanggap pa rin si Cristina ng offers at kahit gustuhin man niya at aminado naman siyang nami-miss niya ang pag-arte ay hindi kakayahin dahil nga sa Tacloban siya nakatira.
“Puwede siguro, guesting-guesting once in a while,” she said. “Like kung twice a week ang taping or shooting, puwede.”
Na-meet din namin that night ang pangalawa nilang anak na si Raymond whom we learned na in a relationship pala with Gwen Zamora na talent ng GMA-7.
Kaya nga, say ni Kring-Kring, kung magbabalik-showbiz siya, willing siyang makatrabaho si Gwen at boto naman daw sila sa model-actress para kay Raymond.
“She’s a very nice girl, she’s been with us a couple of times, saka responsableng bata, marunong maghanap-buhay din, tama ’yun,” say ni Mayor Alfred.