SAMAL, Bataan- Wasak na wasak ang isang kotse matapos bumangga ito alas-2:30 ng madaling araw ng Miyerkules sa gilid ng barangay hall sa kurbadang bahagi ng Sta. Lucia, Samal.
Sinabi ni barangay tanod chief Renato Flores, Jr. na tila himalang hindi naman nasaktan ang driver nito matapos bumukas ang airbag sa harap ng manibela ng CRV ganoong basag ang mga salamin ng kotse, yupi-yupi at wasak ang maraming bahagi nito.
Papunta ang sasakyan sa gawing hilaga ngunit sa hindi pa malamang dahilan ay kinuha nito ang kaliwang linya kung saan naroon ang barangay hall ganoong dapat itong nasa kanang bahagi ng kalsada.
Kinumpirma ni PO2 Nino Cabog ng Samal police station na hindi man lamang nasaktan ang driver ng kotse na si Shulan Blancaflor ng Silang, Cavite dahil sa tulong ng air bag. Idinahilan diumano ng driver na nag-alanganin siya dahil sa kasalubong na sasakyan.