Korina Sanchez reyna ng mga bading

    265
    0
    SHARE
    MALAPIT kay Korina Sanchez-Roxas ang mga beki (another term for gays) kaya naisipan niyang mag-organize ng KeriBeks na ginanap sa Smart Araneta Coliseum last week at dinaluhan ng naglalakihang celebrities and gay icons sa bansa kabilang na sina Vice Ganda, Maricel Soriano, Martin Nievera, Maria Sofi a Love at Anne Curtis.

    “Maaaring biglaan ito para sa ilan. Ngunit para sa mga taong kilala ako, alam nila ang puso ko para sa mga beki, matagal ko na silang mahal at tinutulungan. “All my career I’ve been surrounded by bekis,” pahayag ni Korina nang makapanayam siya matapos ang star-studded at successful event.

    Bukod dito ay isinusulong din ni Ate Koring ang pantay na karapatan para sa LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals, Transgender) community.

    “It all boils down to love and acceptance. Gays are an integral and important part of society and our country. And the event was really intended to honor them,” she said.

    Ang KeriBeks ay isang national gay congress na naglalayong patatagin ang Pinoy gay men sa pamamagitan ng mga programang pangkabuhayan, trabaho, edukasyon at impormasyon para sa kanilang kalusugan. Ipinagdiwang din ng event ang ’di mabilang na mga kontribyuson ng gay men sa kani-kanilang mga pamilya at sa lipunan at kultura ng Pilipinas.

    Late last year nabuo ang KeriBeks at 10 months itong pinagplanuhan. Say ni Ate Koring, sinabi lang niya ang tungkol dito sa asawang si Mar Roxas isang buwan bago maganap ang event.

    “Hindi ako sigurado kung ano ang iisipin kasi niya, kaya sobra kong saya nu’ng sinabi niya na maganda ang ginagawa namin at suportado niya ito.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here