Korina Sanchez di raw sinuspinde ng ABS-CBN

    390
    0
    SHARE

    WE LEARNED from a very reliable source na last week pa nakaplano ang special report ni Korina Sanchez sa Rated K tungkol sa mga bayang nasalanta ng bagyo tulad ng Capiz, Iloilo, Ormoc at Palawan.

    Pati nga raw ang Zamboanga, kasama sa listahan at naka-schedule talaga ang pagpunta niya sa mga lugar na ito. Day 1 pa lang daw matapos ang pananalanta ng bagyong Yolanda, plinano na ito ng Rated K team kaya huwag daw intrigahin na nasuspinde si Korina kaya hindi nakakapag-report sa radio program at TV Patrol.

    Last Tuesday, mismong si Korina na nga ang nagbigaylinaw sa bagay na ito sa phone patch interview sa radio program niya. “Gumagawa kasi ang Rated K ng special para dito sa mga nasalanta, so, pinupuntahan ko ang western Visayas.

    Marami na kaming footage, pumunta na kami sa western Visayas. Dumaan ako ng Bohol pagkatapos ng Yolanda,” sabi ni Korina sa panayam sa kanya ni Jasmine Romero na pansamantalang humalili sa kanya.

    “Kasi Jasmine, maraming ispekulasyon kung bakit wala ako sa studio last week. ’Yung mga ispekulasyon, hindi naman totoo ’yan,” dagdag pa ni Korina. Ayon sa aming source, mali rin ang ispekulasyong pinagbakasyon siya ng management dahil ang ibig daw sabihin nu’n, inobliga siya at hindi ganu’n ang kaso.

    Besides, hindi nga raw masasabing bakasyon dahil work-related ang pagpunta ni Korina sa mga nabanggit na lugar. Bukod dito, kung suspendido siya, ’di sana’y nagbigay na ng official statement ang network (ABS-CBN).

    As we write, ang alam namin ay papuntang Capiz si Korina at sa mga nagtatanong kung kailan mapapanood ang news anchor sa TV Patrol, ayon sa aming source,“very, very soon.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here