ITONG unti-unting paglobo ng bilang
Sa Angeles city, ng mga Koreans,
Partikular na riyan sa may kahabaan
Ng Friendship Hiway na pag-aari na niyan
Itong iba’t-ibang uri ng negosyo,
Gaya ng restaurants, otel at casino,
Resort, night club saka iskwelahang dito
Ipinatayo n’yan sa lugar na ito
Maliban sa bahay dalanginan nila
(Na bagama’t magkakaiba ng sekta,
Pasok pa rin yan sa puntong kanila na
Halos ang lahat ng dito makikita)
Yan ay indikasyon na animo’y lubos
Na nilang sariling bayan ang napasok,
Kung kaya anumang patagong pagkilos
Ng liping yan sa dakong ito ng lungsod
Ay magagawa niyan ng walang balakid
Dahil solo na niyan ang buong paligid,
Lalo pa’t kung walang nagrorondang pulis
Sa mga oras na medyo mapanganib.
Katulad na lang ng napapabalita,
Na sila-sila ay magkaribal yata
Sa kalakalan at kanila ring kapwa
Korean national itong may pakana
Sa panloloko at iba pang petty crimes
Na nagaganap dyan sa kasalukuyan,
Gaya na lang nitong pangyayari minsan
Na ang hinoldap ay isa ring Korean
Kung saan ang suspek ay kalipi nila,
Ya’y pagpapatunay din na sila-sila
Ay walang malasakit sa isa’t-isa;
Kaya’t anong maasahan sa kanila
Ng Angeles city sa naturang punto
Kundi ng matinding sakit lang ng ulo?
Liban sa kawalan pati ng respeto
Ng mga yan sa atin bilang Pilipino;
Dahilan na rin sa ang sarili lamang
Nilang bandila ang itinataas niyan
Sa may Friendship at/o parteng kahabaan
Nitong perimeter ng Clark Freeport d’yan
At kung saan dapat ang Pilipino flag
Ay kasama lagi sa itinataas
Nilang bandila o sariling walatawat
Ngayo’t sila’y nasa bansang Pilipinas!
Hindi katulad ng ya’y nasa sarili
Nilang bansa para umasta ng libre;
Kaya marapat lang sa puntong nasabi
Na sila’y sitahin ng Angeles city
O ng ating butihing city Dad na rin
Upang maitama ang kanilang maling
Mga pagkilos na insulto sa ating
Sariling kultura’t kalakaran natin.
At sila’y matutong irespeto nila
Ang ating lipi at sariling kultura,
Nang sa gayon sila’y matuto pati na
Dito sa atin kung papano umasta.
At kahit malaki ang pasasalamat
Ni Mayor sa ‘investment’ na itinatag
Ng mga yan dito sa nasabing siyudad,
Ay isang bagay ang kanyang pakiusap
Na sana’y tuldukan na niyan ang “rivalry”
Sa negosyo, na siyang naging ugat pati
Ng di pagkasundo sa puntong nasabi,
Ng dayuhang ito sa Angeles city.
Ganun din pati ang parang pagkawala
Ng nasyonalismo’t pagwalang-bahala
Nila sa ‘host country’ na inaring bansa,
Pero ayaw namang irespeto yata?!